November 3, 2009

9.9K 494 70
                                    

Hi Diary,

Normal ba na ako ang nasasaktan para sa kanila? Sila naman ang nag-break pero sobrang apektado ako. Mahal ko kasi silang dalawa. :(

Tinawanan pa ako ni Lotlot nang umiyak ako habang kinikwento nya 'yong nangyari. Bakit sya, parang okay pa rin? Bakit ako, hindi? Ako na ang umiyak para sa kanya.

Hindi naman daw sa hindi na nya gusto si Derrick. Napapadalas lang daw ang tampuhan at away kasi ang dami nilang jina-juggle ngayon. Halos wala na raw silang oras sa isa't isa. Kung meron pa, pareho na silang pagod o stressed o puyat kaya parang laging nakalabas ang pangil nilang dalawa kapag nagkikita o nag-uusap sila.

Kaya pala hindi umuwi si Derrick ngayong undas. May usapan pa naman kaming tatlo na mag-o-overnight kami kasama noong iba pa naming classmates sa bahay ng dati naming class president. Kaso ayun, kami lang ni Lotlot ang natuloy.

Nanghihinayang ako sa kanila, diary, kaso mukhang pareho naman silang okay. Friends pa rin daw naman sila. Nagkikita pa rin daw kaso hindi na kagaya ng dati na parang required na magkasama sila o magkausap as much as possible.

Pero sana maging okay ulit sila.


Ylona

The Misadventures of Finding Mr. Right 3Where stories live. Discover now