January 6, 2005

10.3K 520 76
                                    

Dear Diary,

Hindi ko na ikikwento 'yong mga nangyari kahapon kasi wala namang nangyari kahapon. Kinantahan lang ako ng happy birthday ng buong klase. Nahiya ako. Tapos ayun, parang normal na araw lang.

Kanina 'yong medyo exciting kasi... may handa si Robbie. Invited kaming mga dati nyang kaklase sa bahay nila. May cake!!!!

Tapos ano... nalaman ng tita nya na birthday ko kahapon. Binigyan ako ng 100. ONE HUNDRED PESOS, DIARY!! Hindi ko sinabi kay nanay para hindi nya kunin.

Saka ano, nalaman ko na pinangalanan din ni Robbie 'yong bigay kong stuffed toy. Ylona daw ang pangalan kasi para raw ako 'yong teddy bear. Ayaw nya ng kulay. 

Buti na lang nasapak ko sya bago kami umuwi ni Lotlot. Saan ko kaya gagastusin ang 100? Hmmm.

Feeling mayaman ngayon,

Ylona

The Misadventures of Finding Mr. Right 3Where stories live. Discover now