March 9, 2005

9.9K 540 20
                                    

Dear Diary,

Magaling na si Lotlot, yay~~

Kaso masakit ang puson ko kasi nagkaroon na ako kanina. Medyo wala akong ganang kumain kaya sabi ko sa kanila nang mag-aya sila, uuwi na lang muna ako kasi masama ang pakiramdam ko.

Sabi nila bukas na lang daw kami kumain. Sayang naman daw kung wala silang ililibre. Walang paglalagyan 'yong pera nila. Wow. E, di sila na ang mayaman.

Tapos, napadaan kami sa Tatin kanina kasi doon kami sa may plaza dumaan. Kapag ganito kasing panahon, diary, sobrang nahihilig ako sa chocolates. Alam naman ni Lotlot na meron ako kaya hinila nya ako papunta sa tindahan tapos pinapili nya ako ng chocolate na gusto kong ipabili.

Ang swerte ko sa kaibigan, diary. Kahit nag-iisa lang 'yong sobrang close ko, sobrang galante naman.

Ayun, kaya umuwi akong may dalang Hershey bar.


Kanina pa namimilipit sa sakit,

Ylona

The Misadventures of Finding Mr. Right 3Where stories live. Discover now