July 4, 2005

9.8K 510 30
                                    

Dear Diary,

Nasabi ko na ba sa 'yong bago na ang principal namin? Si Sister Nena na. Si Sister Nena, mabait, mahinhin, at malumanay magsalita. Kaso... iyakin. Sobrang iyakin.

Kanina, pagkatapos ng flag ceremony namin, mag-aalas otso na nga ang program dahil sa dami ng dasal tapos 'yong bible reading pa plus reminders ng sisters at teachers, dumagdag pa si Sister Nena, na hindi namin alam kung bakit bigla na lang umiyak.

Nagalit daw last week. Kung tungkol saan, hindi ko na naintindihan.

Mahigit isang oras kaming nakatayo sa basketball court, diary. Ang init-init! Ngalay na ang mga braso ko sa katatakip ko sa ulo at mukha ko. May time pa na pinagtabi ko 'yong dalawang matangkad tapos doon ako pumwesto sa likod nila. Nang mapakinabangan naman sila kahit papaano. Saka di naman sila umiitim. Namumula lang. Mas dapat kong alagaan ang kutis ko dahil mabilis akong matusta.

Ang dami na rin palang bagong rules at mga bawal. Bawal ang boot-cut na sapatos. Bawal ang may lace sa medyas. Bawal ang may kulay ang medyas. Ang kulay ng pamuyod, dapat black, grey, brown, o white lang.

May dagdag pang mga bilin si Sister Macrina. Bawal magpa-rebond o straight o kulot ang mga catechist na babae. Saka bawal magpaligaw o manligaw.

Tingin ko 'yong iba sa 'min, nagsisi bigla. Buti na lang ako, walang problema.


Umitim na naman nang slight,

Ylona



The Misadventures of Finding Mr. Right 3حيث تعيش القصص. اكتشف الآن