July 1, 2005

9.8K 537 49
                                    

Dear Diary,

Pahingi naman ng peace of mind. Long lost brother yata nitong si Robbie si Derrick. Parehong nangongopya palagi sa 'kin sa quiz. Parehong hingi nang hingi ng papel kapag may quiz. Parehong kung makaakbay, akala mo plano nila akong ibaon sa lupa.

Tapos parehong nanghihila ng buhok!

May mga nakapagsabi sa aking naiinggit daw sila dahil ka-close ko 'yong dalawa. "Inyong inyo na!" sabi ko naman. Kawawa na 'yong anit at balikat ko. Buti na lang bumabawi sila sa panlilibre.

Bale, tatlo na ang nanlilibre sa 'kin ngayon. Hehehe.

Masaya naman si Lotlot kasi madalas kaming magkakasamang apat. Close na sila ni Derrick.


Pumapandak na yata dahil palaging inaakbayan,

Ylona

The Misadventures of Finding Mr. Right 3Where stories live. Discover now