October 28, 2008

10.1K 491 28
                                    

Dear Diary,

Last year, nang kailanganin kong mag-research para sa assignment ko sa isang computer shop, doon ko nadiskubre kung paano gumawa ng Friendster. Hindi kasi ako gumawa noong highschool dahil wala namang internet sa amin.

Nitong July lang, may bago na naman akong na-discover. Facebook. Medyo boring ang background ng profile kasi walang designs, hindi kagaya ng sa Friendster. Hindi mo rin pwedeng lagyan ng background music. Ini-add ko 'yong suggested people tapos 'yong mga kaklase kong nakita ko sa Facebook.

Tahimik din pala kapag wala kang masyadong 'friends'. Medyo boring kaya once or twice a week lang ako nagchi-check ng profile. Tuwang-tuwa pa ako kapag may notifications kasi sobrang dalang lang akong makakuha noon. 

Tapos naisipan kong hanapin 'yong profile ni Robbie. Picture lang nya saka date of birth lang ang kita sa timeline nya kasi naka-private 'yong account nya. Gusto ko sanang makibalita kaso nahihiya akong i-add sya sa Facebook.

Buti na lang, ini-add nina Lotlot 'yong mga ka-batch namin sa isang group. Tapos kapag may discussion sila doon tapos kasali si Robbie sa usapan, naglalike na lang ako ng comments nila.

Nagku-comment din ako pero hindi nya ako kinakausap :(

Ilang buwan na rin 'yon, diary. Hindi ko alam ngayon. Baka hindi pa rin nya ako ina-add.


Medyo nagtatampo,

Ylona

The Misadventures of Finding Mr. Right 3Where stories live. Discover now