November 13, 2006

9.7K 504 38
                                    

Dear Diary,

Paano ka naman makaka-concentrate sa pag-aaral kung may katabi kang kuhit nang kuhit sa 'yo? Pagkatapos mag-lecture ng teacher, magtatanong pa sa 'kin kung ano 'yong ipinaliwanag. E, bakit kasi hindi nakikinig?

Nakakainis. Ayaw ko nang naiilang kaso naiilang talaga ako. 'Yong tipong takot akong magkamali sa recitation. 'Yong quizzes ko, naiilang ako kapag may mali. 'Yong notebooks ko, kailangang kumpleto kasi palagi nyang hinihiram.

Kung pwede lang magpalipat ng upuan, ginawa ko na. Kaya nga sa iba naming klase na pwedeng lumipat ng upuan, lumilipat ako doon sa pinakang-unahan at sulok sa kanang block. Para medyo tahimik.

Magpa-pasko na naman, diary. Huling pasko na pala namin bilang high school. Gusto ko sanang regaluhan lahat ng classmates ko kahit 'yong mumurahin lang... kaso wala akong pera.

Tinanong pala ako ni Lotlot kung ano ang gusto kong regalo sa pasko. Baka raw maalala nya. Alam naman nya ang gusto ko. Art materials. Gusto kong masubukang mag-paint kaso gusto ko ng magandang canvass tapos acrylic paint. Kaso sobrang mahal.

Hanggang Artex watercolor lang ang kaya ng budget ko (ni nanay).


Palaging nakalugay ang buhok sa kanang side ng mukha para hindi makita 'yong makulit,

Ylona

The Misadventures of Finding Mr. Right 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon