Dear Diary,
Tinatakot ako ni Lotlot. Baka raw isayaw ako ni Robbie sa acquaintance. Para tuloy ayaw ko nang umattend. Nakakaasiwa kasi. Palagi na lang nanunukso si Lotlot. May ilan tuloy sa iba naming kaklase ang nakapansin. Tapos pinagtutulungan nila ako :(
Last year, lahat ng parties sa school, tinulugan ko lang. Ayaw kong sumayaw, diary. Nakakahiya.
Kung huwag na lang kayo akong pumunta? Kaso nagchi-check ng attendance. Kung aalis naman ako ng social hall habang nagsasayawan, pagagalitan ako ng mga teacher kasi bawal umalis ng social hall. Kung magkukulong naman ako sa CR, nakakatakot. Marami pa naman daw multo sa school.
Kung matutulog naman ako, baka pilitin nila akong gumising. Wala rin akong kawala.
Hayyy. Anong gagawin ko, diary?
Naguguluhan,
Ylona
![](https://img.wattpad.com/cover/84046903-288-k899230.jpg)
YOU ARE READING
The Misadventures of Finding Mr. Right 3
Teen FictionThis diary belongs to Ylona Maria Ibarra, the quiet island girl.