October 19, 2006 10:45PM

10.2K 571 74
                                    

Dear Diary,

Naging two days 'yong one day. Nakakaloka. Paano kasi, napagtripan na naman ako ng kung sino. Sabi nina Lotlot, hindi raw sila, pero sila lang naman ang alam kong gagawa noon, e. Binantayan pa nila ako habang naglalaro ako ng Scrabble! Muntik na akong ma-distract! Buti na lang nagbasa ako ng dictionary bago ang Intrams. Prepared ako kaya nanalo.

Kung hindi nga ako nainis sa ginawa nila, baka tinawanan ko pa sila dahil halos mag-i-isang oras silang nakatayo sa paligid namin. Ang ingay-ingay noong mga kaklase ko kaya nabwisit 'yong kalaban ko. Nagpatalo na lang yata.

Tapos ayun... kasal-kasalan uli. Tawang-tawa nga 'yong SC president namin kasi 'yon ang "pari" for three days. Parang kami lang daw yata ang umulit na makasal.

Tapos ang malala, lahat sila humingi ng kiss. Buti na lang talaga nakabantay si Sister. Whew!


Iniisip pa rin kung sino ang salarin,

Ylona

The Misadventures of Finding Mr. Right 3Where stories live. Discover now