August 25, 2003

12.8K 562 35
                                    

Dear Diary,

Pagkatapos na pagkatapos ng exams, naging usap-usapan na ang nalalapit na Intramurals na gaganapin sa October. May mahigit isang buwan na lamang kami para magbuo ng cheering squad at magtoka ng mga maglalaro ng iba't ibang sports.

July pa lang ay usapan na ito, pero dahil August na, mas naging seryoso na. Dapat lahat sa klase ay may participation. May mga nag-volunteer na maglalaro sa basketball, volleyball, at table tennis. May mga nagpresinta na rin na magbuo ng cheer-dance squad. Si Lotlot, dahil mahilig magsayaw, ay naatasang mag-choreograph kasama 'yong kaklase naming beki.

Lahat sila, may gustong gawin. Ako... hindi ko alam kung saan ako magaling. Sa pagkakaalam ko, hindi umaayon ang katawan ko sa kahit anong laro. Pareho ring kaliwa ang mga paa ko. Sabi ko tutulong na lang ako sa paggagawa ng props, pero halos lahat kami ay tutulong kaya parang hindi ko rin 'yon maaangkin bilang malaking contribution ko sa Intrams.

Isa na lang ang nakikita kong pwede kong gawin.


Future watergirl,

Ylona

The Misadventures of Finding Mr. Right 3Where stories live. Discover now