May 7, 2008 11:13PM

9.8K 474 29
                                    

Dear Diary,

Buong bakasyon na yata kaming magkakasama nina Lotlot. Dating gawi uli. Swimming, gala, nuod ng movies sa bahay. Tuwing gabi, nasa pantalan kami. Minsan, sa lugawan. 

Napagkwentuhan na namin lahat maliban sa kanya. Pero kanina, na-open ni Derrick 'yong topic. Kung may balita raw ba kami kay Robbie.

Ang alam ko lang, sa isang pangmayamang school sya pumapasok. 'Yon 'yong huling balita ko sa kanya. Tapos sabi ni Derrick, naka-text daw nya 'yong isa naming kaklase na malapit lang ang pinapasukang school sa school ni Robbie. Nagkita raw 'yong dalawa minsan.

Hindi ko nga alam kung bakit hindi sila nagkikita-kitang tatlo, e. Pare-pareho naman silang nasa Maynila. 'Yong iba naming ka-batch, mga hindi namin ka-close pero nakikita namin. Umuuwi tuwing sembreak, Christmas break, o bakasyon. Naiintindihan naman namin na hindi talaga tagarito si Robbie, pero syempre tumira rin sya rito nang apat na taon.

Ibig sabihin ba wala lang 'yon sa kanya?

First alumni homecoming pala namin next year. Uuwi kaya sya?


Ylona


The Misadventures of Finding Mr. Right 3Where stories live. Discover now