July 14, 2006 11:33PM

9.9K 516 65
                                    

Dear Diary,

Sobra-sobra 'yong kaba ko kanina. Ang daming nagsayaw sa 'kin. May tatlong first year na puro hanggang balikat ko. 'Yong mga kaklase ko rin. Saka may ilan sa 2nd year at fourth year. Sabi ni Lotlot, maganda raw ang ayos ko. Pinaayusan kasi ako ni nanay sa ninang kong parlorista. Para raw libre. Papasko na raw sa 'kin.

Si Derrick, na class president namin kasi una pa lang sinabi na nyang hindi sya magiging escort, isinayaw lahat ng girls sa klase namin. Utos daw ni Misis.

Si Lotlot 'yong last dance nya syempre. May usapan pala sila, kapag nakapasa sila sa parehong school na a-apply-an nila, sasagutin ni Lotlot si Derrick. May dalawa kasi silang a-apply-an parehas. UP saka PUP. Kapag may isa sa kanilang hindi nakapasa, delayed ulit ang sagutan.

Ako, hindi ko pa alam kung saan ako papasok. Ayaw ko naman dito sa 'min kasi sobrang limitado ng ino-offer na courses. Takot naman ako sa Maynila. Saka mapolusyon doon.

Kinakabahan ako kanina kasi inaasahan kong last dance nya ako. Napansin ko kasing palaging ako 'yong last dance nya tuwing may event sa school. Si Lotlot pala 'yong nag-point out pero nabasa nya raw kasi sa diary ko tapos na-realize nya kaya baka alam ko rin daw, hindi ko lang alam na alam ko.

Kaso hindi naman nya ako isinayaw. 


Medyo nalungkot,

Ylona

The Misadventures of Finding Mr. Right 3Where stories live. Discover now