September 14, 2005

10.9K 559 50
                                    

Dear Diary,

Pansin namin laging nakatambay malapit sa area ng St. Luke si Robbie tuwing uwian. Napapagalitan na nga ng iba nyang ka-group kasi minsan magwawalis lang nang konti tapos aalis na. O mawawala na lang bigla tapos babalik lang sa area o classroom para magtapon ng basura.

Hmmm... tingin namin ni Lotlot may pinupormahan 'yon.

Nga pala, kasali uli ako sa cheering this year. Taon-taon yata, nababawasan ako ng hiya sa katawan. Kung dati, sumali ako kasi required, ngayon, nag-volunteer pa ako. Flaglette na rin naman ako kaya sumali na rin ako. Sanay naman na akong kumembot-kembot tuwing band practice.


Lumalambot na ang balakang,

Ylona

The Misadventures of Finding Mr. Right 3Where stories live. Discover now