March 21, 2005

10.5K 520 21
                                    

Dear Diary,

Campaign week namin ngayon. Kaninang hapon, bago mag-uwian, pinuntahan kami sa classroom ng partido nina Robbie. Nagpa-print pa sila sa t-shirts. Bale 'yon 'yong suot nilang pang-itaas tapos uniform naman ng school ang pang-ibaba. May jingle sila sa simula. Si Robbie 'yong gitarista syempre. Tapos, isa-isa silang nagpakilala. Nagtilian 'yong mga kaklase kong babae nang si Robbie na ang nagsasalita. Wala tuloy kaming naintindihan.

Tapos, inihain na nila 'yong mga plataporma nila. Saka sila namigay ng mini cupcakes pagkatapos ng kampanya. May nag-aabot ng cupcakes habang nagja-jamming sila sa unahan.

Maganda naman 'yong mga plataporma nila, diary. Mukhang aral na aral din ang mga kasama sa partido. Nasagot nila nang maayos ang lahat ng tanong. Hindi lang talaga sikat 'yong iba sa kanila. Mas malakas ang tili sa ibang members ng kabilang party e.

Pero mukhang may laban naman ang ilan sa kanila.

Sa Friday na ang botohan, diary. Sino-sino kaya ang mananalo?


Excited nang magbakasyon,

Ylona

The Misadventures of Finding Mr. Right 3Where stories live. Discover now