March 21, 2004

12.7K 612 64
                                    

Dear Diary,

Nag-swimming ang buong klase namin kahapon, pero hindi sumama si Robbie. Naisip naming lahat na baka inaasikaso nya na 'yong paglipat nya. Nakailang-balik na rin kasi 'yong tita nya sa principal's office ngayong buwan. 

Nakumpirma ko 'yon, diary, nang makita ko si Robbie sa may pantalan. Papasimba kasi ako kanina. Bago mag-alas sais, naglalakad na 'k o. Tapos nang nakita ko sya, hindi ko alam kung bakit ako lumapit. 

May dala syang bike. Nakapahiga sa daan sa tabi nya.

Nagulat pa sya nang naupo ako malapit sa kanya. Tinanong nya ako kung saan ako pupunta, bakit daw bihis na bihis ako. Sabi ko sa simbahan.

"Ikaw, nakasimba ka na?" tanong ko.

Hindi nya sinagot. Napaisip ako, diary. Sobrang hina ba talaga ng boses ko? Madalas kasi kapag nagsasalita ako, hindi ako sinasagot ng kausap ko. Tapos palaging pinauulit 'yong mga nasabi ko na.

Hay.

Tapos pala, tinanong ko kung bakit di sya sumama sa swimming. Ayaw nya raw. Tinanong ko kung lilipat na nga sya ng school. Sabi nya, oo raw.

Nang tanungin ko kung bakit, sabi nya, "Feeling ko kasi hindi ako belong dito."

Napaisip ako, diary. Palagi naman syang kinakausap ng mga kaklase ko. Mababait naman kami sa kanya. May ilang linggo nga na nagja-jamming sila ng mga kaklase kong lalaki sa likuran ng classroom tuwing hapon. Tumagal iyon hanggang sa pinagalitan sila nina Sister.

Ako kahit tahimik ako, hindi ko naman naramdaman na hindi ako parte ng klase. Pero bakit sya na napapalibutan na nga ng mga taong maya't maya syang binibigyan ng atensyon, gano'n ang nararamdaman?

"Bakit?" tanong ko. 

Nagkibit-balikat lang sya bilang sagot.

"Baka naman kasi hindi mo sinusubukang makisama. Baka kasi ikaw na mismo ang naglalayo ng sarili mo sa mga tao."

"Ayos lang naman," sabi nya. "Aalis din naman ako, e."

"Matagal mo nang plano 'yan?"

Tumango sya.

"Ah... kaya pala. Siguro kaya hindi mo feel na belong ka, kasi hindi mo sinusubukang makisama at kaya hindi mo sinusubukang makisama e sa isip mo, aalis ka rin naman. Bakit ka pa nga naman makikipagkaibigan kung aalis ka rin lang, di ba?" 

Diary, 'yon na yata ang pinakamahaba kong sinabi sa buong taon sa isang tao. 

Nang hindi na sya sumagot, nagpaalam na ako kasi huli na ako sa simba.


Hindi alam kung may naitulong,

Ylona

The Misadventures of Finding Mr. Right 3Where stories live. Discover now