July 15, 2005

10.4K 604 49
                                    

Dear Diary,

Acquaintance party namin kanina. Mas masaya ngayon kesa noong mga nakaraang taon. May games na sa program! Hindi naman kaila sa aming lahat na sentro ng atensyon si Derrick the transferee at si Robbie na resident Mr. Popular.

Maraming nag-aasam na isayaw ng dalawa.

Si Lotlot, first dance si Derrick kaya sobrang kilig na kilig na kilig sya. Plano ko sanang matulog kaso may ilan ding humatak sa 'kin para isayaw ako. Medyo weird. Nakakaasiwa na may nakahawak sa baywang mo tapos nakakapit ka sa mga balikat nila.

Isinayaw rin ako ni Derrick, pero okay lang naman kay Lotlot kasi sya ang nauna.

Pagkatapos noon, natulog na ako. 

Nagising na lang ako nang may yumuyugyog sa balikat ko. Si Robbie. Simangot na simangot ako kanina kasi ang sarap na ng tulog ko tapos bigla syang nanggising.

Last dance na raw kasi.

Bakit gano'n, diary? Sobrang hindi ako kumportable kanina. Sana talaga hindi na lang ako gumising para makipagsayaw sa kanya.


Sobrang nawiwirduhan,

Ylona

The Misadventures of Finding Mr. Right 3Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang