November 1, 2007

11.4K 495 39
                                    

Hi Diary,

It's been a while. Plano sana kitang dalhin sa Lucban para maisulat ko 'yong experiences ko kaso naisip ko na baka maging sobrang busy ako, hindi na rin kita masulatan. Nangyari na nga. Naging sobrang busy ko.

Iba pala sa college. Medyo laid back ang atmosphere pero may impending deadlines palagi.

Okay naman ang school ko. Naka-adjust naman ako kaagad. 

Nakita ko pala si Lotlot kanina. Si Derrick daw, sa Manila mag-u-Undas kasi nandoon 'yong family nito. 

May mangilan-ngilan din akong nakitang ka-batch namin sa sementeryo. May mini-reunion nga kami. Lima yata kaming nag-ingay sa ibabaw ng puntod ng lola ng classmate ko.

Bukas daw, gagala kami sa dati naming school. Excited na rin akong makabalik do'n. Sa November 4 naman ako babalik ng Lucban. Sabay kami ni Lotlot pero hanggang sa daungan ng barko lang. Iba kasi ang daan ko, pa-Laguna.


Ylona


The Misadventures of Finding Mr. Right 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon