July 19, 2003

12.6K 552 33
                                    

Dear Diary,

Pupunta raw sina Lotlot sa bahay. May dala silang CD na nirentahan sa bayan para makapanuod kami ng movie. May dala rin daw silang pancit canton dahil alam nilang walang pagkain sa bahay.

Habang hinihintay ko sila, umakyat ako sa puno ng chesa na nasa tabing-kalsada. Paborito kong tambayan 'yon kapag hindi masyadong mainit.

Kumakain ako noon ng manggang hilaw na hirap na hirap akong isawsaw sa alamang na nakalagay sa plastik nang may biglang dumaang naka-bisikleta.

Mabilis lang 'yong pagdaan nya pero bahagya kaming nagkatinginan.

Si Robbie pala.


Nalaglagan ng mangga,

Ylona

The Misadventures of Finding Mr. Right 3Where stories live. Discover now