May 28, 2010 10:10PM

10.7K 607 96
                                    

Dear Diary,

Sabay-sabay kaming lumuwas nina Lotlot kanina. Hihiwalay dapat ako ng sasakyan dahil pa-Lucban ako tapos pa-Maynila silang tatlo, pero nagkaroon ng idea si Lotlot na sinang-ayunan naman noong dalawa. Dahil daw nanliligaw na sa akin si Robbie, naisipan nilang ipahatid ako hanggang Lucban, to catch up daw. Paano magka-catch up, diary, e natutulog ako buong byahe? 

Pero dahil magkatabi kami simula sa bangka hanggang sa van, hindi rin ako nakatulog. Kinausap nya ako kaya kinailangan kong sumagot. Sadyang humiwalay sina Lotlot sa amin sa bangka para raw hindi kami mahiyang mag-usap. Pero sa tingin ko, sinuggest nya lang 'yon kasi gusto nyang mag-usap din sila ni Derrick.

Pero syempre, mali ako ng hinala. Natulog lang si Lotlot. Nakasandal ang ulo nya sa balikat ni Derrick tapos nakasandal naman ang ulo ni Derrick sa ulo nya. Ganoon sila buong byahe. Siguro hindi na nila kailangang mag-usap. May mga tao kasing ganoon. Walang sinasabi pero nagkakaintindihan na. Their actions speak loudly.

Noong una, hindi ko alam kung paano kakausapin si Robbie. Kasi hindi naman kami ganoon ka-close kahit dati. Magkaibigan kami, oo, pero kahit dati, nahihiya na ako sa kanya. Siguro nga kasi crush ko rin sya dati tapos hindi ko lang alam? Baka ganoon.

Pero nang tumagal, naging palagay na rin ang loob ko sa kanya. Kahit sobrang random ng usapan namin, interesado ako sa mga sinasabi nya. 'Yon lang 'yong time na nakapag-usap kami nang usap talaga.

Ang dami ko ngang nalaman, diary. Parang 'yong mga nangyari dati, lumampas lang sa ulo ko 'yong meaning. Dati pala, sadya 'yong mga binibigay sa 'king chocolates. Kasi alam nyang napakahilig ko sa chocolates. 'Yong mga ibinigay nya noong February, noong 4th year kami, bigay nya pala talaga 'yon. 

Tumango-tango na lang ako kasi hindi na ako makaimik.

Inihatid talaga nya ako hanggang Lucban. Nagpakilala sya sa tita ko. E, sinabi na ni nanay kay Tita 'yong sitwasyon. Tuwang-tuwa si Tita kay Robbie. Magalang daw na bata saka effort daw na sumama pa sa Lucban.

Pinag-stay sya ni tita sa bahay. Sa sala sya natulog. Bukas, pupunta na syang Maynila.

Hindi ko alam kung kailan uli kami magkikita. Hindi ko rin alam kung ano 'yong mararamdaman ko kapag magkalayo na kami. Kasi baka mag-iba? Malay ko ba naman. First time kong magkaganito. 

Pero sana... sana hindi sya magsawang maghintay. Mag-aaral talaga ako nang mabuti.


Ylona


The Misadventures of Finding Mr. Right 3Where stories live. Discover now