November 29, 2005

10.7K 562 36
                                    

Dear Diary,

Marami na ang naibagsak na quizzes si Robbie. Syempre nag-alala kami. Nag-offer ako na tulungan syang mag-aral. Tapos pinangaralan ko na rin sya. Syempre ang alam ko friends kami. Ganoon naman kapag magkakaibigan, di ba? Sasabihin mo 'yong napupuna mo sa tao tapos mag-aalok ka ng tulong.

Ang kaso nagalit sya sa 'kin. So, okay. E, di 'wag.

Alam ko naman, diary, na hindi nya hinihingi ang tulong ko. Gusto ko lang magbigay. Kaso masam pala. Minasama pa. 

Ilang araw ko na nga syang hindi kinakausap, na madali namang gawin dahil madalang ko na rin syang hindi makita. Palagi syang nandoon sa nililigawan nya. Nakakatawa nga kasi ang gaan-gaan na nga ng bag no'ng babae tapos ipinagbubuhat pa nya.

Tapos ang lapit-lapit ng bahay, inihahatid pa. Bakit parang nagmumukhang mahina ang mga babae kapag nililigawan, diary? Ganoon ba talaga? 

Nga pala, December na naman. Mamomroblema na naman ako sa regalo. Ano kaya ang magandang regalo ngayon, diary?

Sana monito-monita na. 

Excited na sa pasko,

Ylona

The Misadventures of Finding Mr. Right 3حيث تعيش القصص. اكتشف الآن