June 13, 2005

10K 553 40
                                    

Dear Diary,

Grabe lang kung pagkaguluhan ng mga kaklase ko 'yong transferee na kapapasok lang kanina. Laking Maynila rin kaya kutis alaga sa aircon at chlorine. Matangkad din parang si Robbie. Gwapo. 

Nahuli ko kanina si Lotlot na nag-FLAMES agad pagkatapos magpakilala ng bago naming kaklase. Naitanong pa sa akin kung ano raw ang spelling ng Derrick. Di ko naman sigurado kung Derrick nga o Derik. Sabi ko itanong na lang pero nahihiya daw sya.

Sa bandang likod ini-assign si Derrick kaya sobrang ingay sa likuran kanina habang nagkaklase. 

May mga nanghihinayang nga kasi sana raw sinabihan sila nina sister na tatanggap pa sila ng transferee na gwapo para raw si Derrick na lang ang escort, hindi na si Robbie. Kaso si Robbie pa rin ang escort.... at secretary pa rin ako. Paninindigan ko na 'to hanggang fourth year, diary. Sana may loyalty award ako pag-graduate.

Kinakausap ko na nga pala si Robbie kasi sinuhulan nya ako ng pagkain. Sayang naman ang libre. 

Tumangkad daw ako sabi ng mga kaklase ko tapos nagkalaman-laman daw ako. Paano ba naman, kung saan-saan kami kumakain noong bakasyon, nasanay na ang tiyan ko. Kaya nga araw-araw akong nagbabaon ng tinapay dahil ginto ang mga pagkain sa canteen. Kulang ang pera ko sa gutom ko.

Kaya ko rin kinausap si Robbie kasi nagbibigay sya ng pagkain tuwing recess.


Kailan lang na-realize ang sariling katakawan,

Ylona


The Misadventures of Finding Mr. Right 3Where stories live. Discover now