February 14, 2004

12.9K 548 54
                                    

Dear Diary,

Happy Valentine's Day!

Mali pala 'yong bilang ko. 8 letters pala 'yong natira. Kaya love ang tamang resulta. Ikinwento ko kasi kay Lotlot tapos sabi nya imposible daw na friendship ang nakuha ko kasi ginawa nya rin. Love daw 'yong lumabas. Tapos tinukso-tukso nya ako.

Buti na lang hindi kami narinig ni nanay. 

Pero... hindi naman totoo 'yong FLAMES, di ba? Gawa-gawa lang 'yon ng mga nangangarap na gusto rin sila ng mga crush nila.

Pero salamat pa rin sa chocolates. Kahit kinuha ni Kuya 'yong isa. :(

Binigyan ko ng kapirasong chocolate si Lotlot. Nagtanong sya kung saan galing. Sabi ko binili ko. Hindi sya naniwala. Wala raw akong perang pambili ng Toblerone.

Ang sama nya. :(


Adik na yata sa Toblerone kasi ang sarap,

Ylona


The Misadventures of Finding Mr. Right 3Where stories live. Discover now