February 14, 2007

9.5K 528 142
                                    

Dear Diary, 

Noong elementary kami, may nauso na mga bracelet na ginagawa. Piso isang tali. Kailangan mo lang ng dalawa o tatlong kulay para makagawa ng bracelet. So bale, tatlong piso lang 'yon. Kapag dinagdagan mo ng letters o iba pang accessories, saka lang sya mamahal.

Gumawa ako ng ganoon na may initials nya tapos iniregalo ko sa kanya. May okasyon naman kaya may excuse na magregalo.

Tapos, may ibinigay na naman sya. Binawian 'yong bawi ko, e 'di babawi na naman tuloy ako :(

Ibinigay nya sa 'kin 'yong isang stem ng rosas na may naka-wrap na plastic na may design. Bigay daw sa kanya. Ayaw daw nya sa bulaklak kaya akin na lang. Ibinigay nya rin sa 'kin 'yong bigay sa kanyang chocolates saka 'yong pabango. Ayaw nya raw lahat.

Bakit ba kasi pambabae 'yong pabango na ibinigay sa kanya? Ayaw ko nga sanang tanggapin kasi baka makita noong mga nagbigay na nasa akin tapos awayin nila ako. Kaso sabi nya itatapon daw nya kapag hindi ko tinanggap.

Wala akong choice.

Akala tuloy ni nanay may nanliligaw sa 'kin. Nang sabihin kong ibinigay lang 'yon sa 'kin kasi ayaw noong binigyan tapos nalaman nyang lalaki 'yon, tinanong nya ako ng, "Sigurado ka ba?" Kung saan, hindi ko naintindihan.

Sigurado saan?

Ibinigay ko kay nanay 'yong pabango saka bulaklak. Akin 'yong chocolates.


Happy Valentine's Day,

Ylona


The Misadventures of Finding Mr. Right 3Where stories live. Discover now