December 7, 2005

9.9K 532 45
                                    

Dear Diary,

Sa ilang araw na pagmu-monito/monita namin, itong araw na yata ang naging pinakamasaya ako. Something sweet kasi ang tema. Sobrang saya ko kanina kasi isang malaking Toblerone ang nakuha ko. 

Hindi ko alam kung sino ang nakabunot sa akin kayong taon pero sobrang laki ng upgrade mula roon sa mga dating nakabunot sa 'kin. Hindi na ako binabarat, diary!

Excited na ako sa matatanggap ko sa Christmas party. Pero namumroblema pa rin ako. One hundred kasi 'yong budget namin para sa regalo. Sabi ni nanay magpapabili raw sya ng damit naming pamasko. Pwede ko raw ipasabay 'yong regalo.

Improving si nanay. Nabawasan na ang pagkakuripot. Ang kaso... gusto ni nanay na dress ang isuot ko sa Christmas party. :(


Naaasiwa,

Ylona

The Misadventures of Finding Mr. Right 3Kde žijí příběhy. Začni objevovat