March 2, 2005

10.2K 577 31
                                    

Dear Diary,

Tumakbong SC 3rd year representative si Robbie. Bale, kapag nanalo sya sa botohan ngayong March, next year, kasama na sya sa student council. May dalawang parties lang sa school. Feeling ko nga dehado 'yong partido nila kasi sya lang saka 'yong VP ang sikat. 'Yong iba, matitino naman kaso mas sikat 'yong mga nasa kabila. Mga member kasi ng banda at CAT ang karamihan.

Next week na raw ang simula ng kampanya. For sure maraming boboto kay Robbie. Sikat 'yon, e.

Buti na lang hindi ako sumali. Gusto nilang tumakbo akong secretary. Ayoko nga. Forever na lang akong secretary. Masakit na kamay ko kasusulat.

Nga pala, diary, dalawa na ang nanlilibre sa 'kin. Ang bait ni Lord!

Kanina, kasama ko sina Robbie at Lotlot. Naglugaw kami. Libre ni Lotlot ang lugaw na may manok. Libre ni Robbie 'yong itlog, tokwa, saka minatamisang saba.


Palaging busog tuwing hapon,

Ylona

The Misadventures of Finding Mr. Right 3Where stories live. Discover now