Hi Diary,
Grabe. Para akong nagkaroon ng tatlong additional na nanay. Sina Lotlot, ang bungad palagi kapag nangungumusta ay "Kumusta ang pag-aaral mo?"
Nakakaisang buwan pa lang ako nyan, ha. Siguro mas malala kapag may exams ako.
Hindi rin masyadong nangungulit si Robbie sa text. Tumatawag lang minsan kapag wala akong masyadong ginagawa. Tapos kinakantahan ako. Nagtatanong muna sya kung pwedeng tumawag. Kapag wala akong reply, palu-loadan ako. Kaya ang dami kong load, diary.
Nakaka-inspire din palang mag-aral kapag napi-pressure ka. Alam ko kasing may magandang kalalabasan ang pag-aaral ko. Ayaw kong ma-disappoint sila sa 'kin.
Nag-aaral nang mabuti para sa future,
Ylona
YOU ARE READING
The Misadventures of Finding Mr. Right 3
Teen FictionThis diary belongs to Ylona Maria Ibarra, the quiet island girl.