February 14, 2006

12.9K 582 44
                                    

Dear Diary,

Kanina, mag-isa akong umuwi kasi may date ang nanay-nanayan at tatay-tatayan ko (Lotlot at Derrick). Dumaan ako sa may pantalan pauwi para shortcut. Wala namang band practice kanina tapos 'yong misa, maaga naman.

Nakita ko si Robbie na nakaupo doon sa may Baywalk. Bumabato sya sa dagat. Lalapitan ko sana sya kaso hindi ko alam ang sasabihin ko. Ang tagal na naming hindi nag-uusap. Noong napahiya ako, mas lalo ko syang hindi kinausap.

Sana, diary, magkaayos din kami ngayong school year o kahit bago man lang grumaduate. Nakaka-miss na rin kasi 'yong may kakulitan bukod do'n sa dalawa. Saka hindi ako nao-OP kapag nandyan sya.

Tapos... nami-miss ko na rin 'yong panlilibre nya. Sya kasi ang pinakagalante sa kanilang tatlo. :(

Gusto ko ngang mag-sorry sa BEC kasi baka ako naman ang may kasalanan kung bakit hindi kami nag-uusap. Kaso baka matukso na naman ako. Mas lalo lang lumala.

Baka naman kapag nag-sorry ako sa kanya, pagtawanan nya ako.

Bakit kasi ang hirap makipag-usap sa mga lalaki, diary?


Medyo nalulungkot,

Ylona

The Misadventures of Finding Mr. Right 3Where stories live. Discover now