Chapter 1 - Day 1

522 15 2
                                    

Demi Zaine's POV

Good morning, guysss!

Ang ganda ng gising ko kaya naman malaki ang ngiti ko. Siyempre pasukan na ulit at excited na excited na ako. Nakakamiss kasi ang baon. Hahaha. Bumaba na agad ako at dumeretso sa kusina at nakita ko dun si mama na nagluluto.

“Good morning, mamey!” bati ko sa kay mama at hinalikan siya sa pisngi.

“Good morning, anak. Pakigising mo na nga ang kapatid mo at baka tanghaliin kayo.” sabi ni mama.

“Sige po.”

Kaya pumunta ulit ako sa taas para gisingin ang dalawa kong kapatid. Ako ang panganay. Una akong pumunta sa kwarto ni Lian at ginising na siya.

“Oy, bakla! Gising na!”

Pfft! Hindi talaga siya bakla. Trip ko lang talaga asarin siya ng bakla. Kung hindi lang yan bagong gising, baka nagka-World War III na dito sa kwarto niya. Ang sama na ng tingin sa akin eh.

Lumabas na ako ng kwarto at pumunta naman sa kwarto ng bunso namin na si Miara. So, bale tatlo kaming magkakapatid at ako ang panganay pero feeling bunso.

“Bebe ko, gising na!”

Madali naman magising si Miara kaya gising na agad yan. Unlike me, tulog mantika. Nagmana kasi kay Papa.

Sabay na kami ni Miara na bumaba papuntang kusina at nadatnan na namin dun si Lian na kumakain na. Ang takaw oh!

“Demi, hindi na kita ihahatid sa school mo ha.” sabi ni mama

“Hala! Bakit, ma? Hatid mo ako.”

Aba! Umayos ka. Grade 9 ka na magpapahatid ka pa? Kusain mo 'yang sarili mo.” sermon ni mama sakin

Napasimangot na lang tuloy ako habang kumakain. Oo, excited akong pumasok pero kapag first day of school kasi ay nahihiya ako kaya gusto kong magpahatid. Hehe.

Napatingin ako kay Lian at pinandidilatan pa ako ng mata. Aba! Pag ikaw ang napagalitan ni mama, pagtatawanan pa kita! Hmp!

Pagkatapos kong kumain ay naligo na ako at nagbihis ng uniform na susuotin ko. Joke. Hindi talaga ako mag-uuniform. Mabilis naman akong kumilos ngayon kaya 5:45 am ay tapos na ako. Pero ang schedule ng pasok namin sa school ay 6:00 pa rin naman. Kaya bumaba na ulit ako at pumunta kay mama.

“Ma, alis na po ako, bye!” sabi ko at hinalikan sa pisngi si mama

“Sige ingat sa pagbyahe.”

Hindi naman kalayuan ang school kaya pwedeng magtricycle na lang ako at sa hapon, kagaya ng lagi kong ginagawa ay naglalakad ako. Sumakay na ako ng tricycle then after 15 minutes ay nasa school na ako. Iilan pa lang ang estudyanteng nakikita ko. Una agad hinanap ng mata ko ay kung saan nakalagay ang mga pangalan ng estudyante at kung saang section. Sana kaklase ko pa rin sila bespar.

Nang makita ko na ang papel na nakadikit sa board ay tinignan ko agad ang Grade 9. Una kong nakita sa first page ay pangalan ng mga halos lahat ay kaklase ko. Sana nandito rin ako. Pero nabigo ako ng makita kong wala. Kaya dumako ako sa next page pero wala pa rin hanggang sa nakarating ako sa pang-apat na page at dun nakita ko ang pangalan ko. Nandun din ang ilang kaklase ko and the rest is hindi ko na mga kilala. Hay. Hirap pa naman kapag walang kilala.

Section Integrity

Yan ang pangalan ng section ko kaya hinanap ko na agad yun sa building ng grade 9.

Book 1: Love Or HateWhere stories live. Discover now