Chapter 29 - Jealous (Part 2)

56 6 0
                                    

Demi Zaine's POV

Halos malaglag ang panga ko dahil sa sobrang gulat habang nakatingin dun sa card. Argh! Iniinis ako ng dalawang ito!

“Magkaibigan nga talaga kayo! Parehas animal!” matalim na sabi ko sa kanilang dalawa.

Masama akong nakatingin sa kanilang dalawa at walang pakundangang hinigit ang kamay ko na hawak ni Jes. Wala akong paki kung makita ko man ang gulat sa mukha niya. Basta naiinis pa din ako sa kaniya.

Hindi ko maitatago ang panlalamig ng kamay ko at pamumula ng mukha ko kaya tumalikod ako sa kanila. Ayokong isipin nilang dalawa na may gusto ako kay Jes, na totoo naman talaga. Ayoko ring makita niya na kinikilig ako. Tangina talaga!

‘Anniversary!’

Nakakaloka! Buti naman at hindi na nila ulit ako kinulit, lalo na ni Jes.

‘Tapos 'pag 'di kinulit, hahanap-hanapin!’

Psh! Basta naiinis ako! Dun siya sa babae niyang kinukulit. Animal! Kung ako lang sana lagi ang kinukulit niya, edi sana sinasakyan ko ang trip niya. Ang gusto ko kasi, ang akin ay akin!

Kaso hindi siya sakin.’

Hmp!

“Class, go to your group now!” sabi ng teacher namin kaya nagsitayuan na kami.

Pumunta ako dun sa pinakahuli, sa dulong upuan sa bintana at dun umupo. Wala ako sa mood makipagparticipate sa klase ngayon. Bahala na bukas, makakahabol pa rin naman ako eh.

Pero kamalas-malasan nga naman at kagrupo ko nga pala itong animal na ito. Ayun siya! Nakaupo sa unahan ko at hawak-hawak pa rin pala ang stuff toy ko habang nakatingin sakin. Aysh! Nakalimutan kong nasa kaniya nga pala yun.

“Akin na nga yan, Jes!” sabi ko sa kaniya at kinuha yung rabbit... kasama nung card.

Masama akong nakatingin sa kaniya.

“Bakit ba ang taray mo ngayon?” seryosong tanong niya.

Hindi ko siya pinansin at inirapan lang siya. Ang mga katulad niyang animal ay hindi dapat pinapansin! Naramdaman mo na nakatitig siya sakin kaya naman nakaramdam din ako ng ilang. Hayss!

Sinalubong ko ang tingin niya. Naiilang ako kapag tinititigan niya ako. Para akong tinutunaw sa mga titig niya.

Aning tinitingin-tingin mo?!” inis na tanong ko sa kaniya.

“Wala.” pagkasabi niya nun ay tumalikod na siya sakin.

‘Aba!! Animal talaga!’

Imbis na pagtarayan pa ulit siya ay tumingin na lang ako sa labas ng bintana. Dinama ang sariwang hangin na nanggagaling dun hanggang sa tumama sa mukha ko ang kurtina na nililipad ng hangin. Mariin akong napapikit ang mata dahil sumama pa yun sa inis ko!

“Hahaha! Ano ba, Jes! Nakikiliti ako. Hahaha! Tama na!”

Inalis ko ang kurtinang nakatakip sa mukha ko ng marinig ang boses na yun ni Loren na tumatawa. Dun ko nakitang kinikiliti ni Jes siya kaya ito tumatawa. Oo, naghaharutan silang dalawa sa harapan ko kaya masama ang tingin ko sa kanilang dalawa!

‘Sige lang, Jes!’

Naiyukom ko na lang ang kamay ko.

“Oy, Dems. Mukhang galit ka sa kurtina ah.”

Napalingon ako kay Aleina na siyang nagsalita. Hindi ko naman naintindihan ang sinabi niya kaya tinignan ko ang kurtina at dun nakita kong ang higpit pala ng hawak ko. Agad ko namang yun binitawan at masama pa rin ang tingin sa dalawa.

Book 1: Love Or HateWhere stories live. Discover now