Chapter 35 - Her Necklace

65 4 0
                                    

Gabrielle Lucio's POV

Kanina pa ako dito sa loob ng kotse ko at hindi mapakali habang nagmamaneho. Demi is in danger, right now! Nagagalit ako pero mas lamang yung pag-aalala ko sa kaniya. Gabi na ngayon at hindi ko matrack kung nasaan siya. Hindi ko matunton ang pinagdalhan sa kaniya kaya kinailangan ko ngayon ang tulong ng pinsan ko. Siya kasi ang mas may alam kesa sakin.

Naiinis ako sa sarili ko! Ang wala kong silbi na tagaprotekta niya. Sinabi ko sa kaniya na poprotektahan ko siya pero wala akong nagawa nung kinuha siya nung mga yun. Tangina talaga!

Wala sa sariling nahampas ko ang manibela ng sasakyan ko kaya naman napalingon sakin ang pinsan ko.

“Tss. Kumalma ka nga! Hindi makakatulong ang pagwawala mo dyan.” sermon niya sakin.

“How can I calm down? Demi is in danger and it's fucking my fault!” inis na sabi ko.

“Walang may kasalanan, couz'. Stop blaming yourself.”

“Kasalanan ko! Kung hindi lang sana ako tumalikod, dapat nasa bahay na siya ngayon.”

Speaking of--- paniguradong nag-aalala na rin ang Mama at mga kapatid niya. Limang oras na siyang nawawala at gabi na. Minsan natatanong ko sa sarili ko, tama ba na nagpakita ako sa kaniya? Kasi pakiramdam mo mula nung nagpakita ako sa kaniya, napalapit siya lalo sa kapahamakan. Ano bang magagawa ko? Gusto ko siyang makita. Gusto kong mayakap. Gusto kong makasama siya palagi. Because being with her makes me happy and contented. Kaya sisigiraduhin ko na hindi na ulit ako tatalikod sa kaniya para hindi na siya mapahamak.

“I found it! Let's go, couz'.” biglang sabi ng pinsan ko kaya naman nabuhayan na ako.

‘Wait for me, baby sis. I'll save you and protect from them, as always.’

Demi Zaine's POV

Nagising na lang ako na nakatali ang kamay ko habang nakaupo dito sa kinauupuan ko. Nakapiring din ako kaya wala akong makita. Unti-unti na akong binabalot ng takot ko at kaba.

‘Nasaan ako?’

Takot ako. Takot ako lalo na kapag nag-iisa ako, dito sa dilim na nakikita ko. Gusto kong sumigaw pero walang boses na lumalabas sa bibig ko. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang luhang bumabagsak mula sa mata ko. Nanginginig na ako sa takot at hindi ko alam kung makakalabas pa ba ako ng buhay dito. Gusto kong makaalis dito pero paano.

‘Bakit ba ako nasa panganib? Bakit nila ako kinuha? Ano bang gusto nila sakin? May kasalanan ba ako sa kanila? Ano yun? Bakit kailangan maging biglang ganito ang buhay ko?’

Narinig ko ang yabag ng paa na sa tingin ko ay papalapit sakin. Ang bilis ng tibok ng puso ko at sobrang kaba ang nararamdaman ko. Nanginginig ang mga kamay ko.

“S-Sino ka?” utal kong tanong.

Huwag kang matakot. Wala naman akong gagawin sayo eh.”

Napalunok na lang ako dahil sa laki ng boses niya. Kung hindi siguro ako nakapiring ngayon, baka malaking tao itong nasa harapan ko. Mas lalo yun nakadagdag ng takot ko.

“A-Anong kailangan niyo sakin? Bakit niyo ako kinidnap?” nauutal na tanong ko ulit.

Dederetsuhin na kita, iha. Kwintas. Kwintas ang kailangan ko at dapat mong ibigay sakin yun.”

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. “K-Kwintas?” tanong ko.

“Oo. Ibigay mo samin yun at hindi ka na mahihirapan pa.”

Book 1: Love Or HateWhere stories live. Discover now