Chapter 40 - Memories

61 4 0
                                    

Demi Zaine's POV

Nakatulala lang ako dito sa tapat ng bintana at hindi nakikinig sa klase. May ilang araw na rin ang nakalipas mula nung umamin ako nung linggong yun. Hindi naman kami nagkakailangan ni Jes pero hindi na rin kami masyadong nakakapag-usap. Kahit na ang lapit namin sa isa't isa, hindi na kami kagaya ng dati na sobrang close. Mas lalo lang kaming naglayo simula nung umamin ako. Ang sarap balikan ng alaala naming dalawa. Pero masakit din sa pakiramdam kasi mukhang hindi na mauulit pa.

“Guys, sinong may app sa inyong Facebook at Messenger?” tanong ko sa mga kaklase ko.

Gusto ko kasing magpapasa dahil hindi ako makapagdownload. Hanggang sa lumapit si Jes sakin at inabot ang cellphone niya sakin.

“Ako, bi oh.” sabi niya.

“Thank you, bi!” nakangiting sabi ko.

Pinasa ko na nga yun at ininstall. Pero makalipas ang ilang minuto, bigla na lang naglag ang cellphone ko kaya naman ini-uninstall ko na lang. Hehehe.

Mapait na lang akong napangiti matapos alalahanin yun. Kung saan hindi pa ako masyadong humahanga kay Jes. Kung saan, trip ko pa lang na gustuhin siya. Nakakatawang isipin, hindi ko akalain na magiging seryoso ang pagkagusto ko sa kaniya. Hindi ko din akalain na aabot sa ganito ang pagkagusto ko sa kaniya. Para akong mababaliw.

Ang dami naming memories. Namimiss ko na yung paghawak niya sa kamay ko. Pagkiliti niya sa bewang ko. Pagyakap niya sakin. Paglapit ng mukha niya sakin. Gusto ko sanang mangyari ulit yun pero mukhang hindi na talaga.

Nagsusulat ako habang nakaupo sa unahan. Hindi ko kasi makita ang nakasulat kapag nasa hulihan ako kaya naman nandito ako nagpunta. Naramdaman kong may tumabi sakin at kusa na lang bumilis ang tibok ng puso ko nang makitang si Jes yun. Hindi ako nagpahalata na napansin ko siya. Nagpipigil ako ng ngiti dahil nasa tabi ko siya. Hays. Gustong-gusto ko na talaga siya.

“Zaine.” tawag niya sakin at dinanggil ang balikat ko.

“Oh?” sagot ko pero hindi siya nilingon.

Patuloy lang ako sa pagsusulat pero sa totoo lang ay gusto ko siyang lingunin. Hindi ko lang magawa dahil baka bigla akong mapangiti kapag humarap ako sa kaniya. Baka mahalata din niya ako.

Ipagsulat mo nga ako. Tinatamad kasi ako.” sabi niya dahilan para mapakunot noo ako.

“Hmp! Kita mong nagsusulat ako.” nakasimangot na sabi ko sa kaniya.

“Dali na. Konti na lang naman eh.”

Nilingon ko siya at parang gusto kong matawa sa itsura niya. Para kasi siyang batang humihingi ng pambili ng candy. Hahaha.

“Konti na lang pala eh. Kaya mo na yan.” mataray na sabi ko sa kaniya.

“Ah ah! Dali na, Zaine. Meron ka ba ngayon? Remembrance lang oh.”

Mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. “Wala akong meron. Remembrance ka dyan. Bahala ka.” sabi ko at tumayo na.

Pagtalikod ko pa lang ay hindi ko na mapigilang ngumiti. Hahaha. Ang sungit ko naman yata. Baka lalo akong mahalata.

Book 1: Love Or HateWhere stories live. Discover now