Chapter 5 - Ex

128 7 0
                                    

Demi Zaine's POV

Maaga pa lang ay nakarating na agad ako sa school kaya ayun mag-isa pa lang ako. Wala pa rin sina Nashi kaya mag-isa lang talaga ako dito sa tapat ng room namin kasi hindi pa bukas. Pero sa kabilang room naman ay may mga estudyante kaya ako pa lang talaga ang mag-isa dito. Paulit-ulit na akong magsasabing mag-isa lang ako. Sanay naman kasi akong mag-isa. Hahaha!

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ko nang maalala ko yung sa Water Park na nakasama namin ni Nashi ang family ni Jes. Hays! Hindi ako makaget over tuwing naaalala ko yun.

~F L A S H B A C K~

Nagtatawanan kami habang nagkikwento si tita Ryza tungkol sa family niya. Hindi sila mahirap pakisamahan kasi ang babait nila samin ni Nashi.

“So, Nashi.” sabi ni tito John.

Napalingon naman si Nashi sa kaniya kaya lumingon rin ako kay tito John.

“Yes po?”

“May I know who's your parents?”

Uhm... Si Nash Mendoza po ang father ko at si Sheena Mendoza naman po ang mother ko.”

“Ahh...” tatango-tango namang sabi ni tito John.

Nagpatuloy lang kami sa pagkain. Sa totoo lang ang sarap ng dala nilang pagkain. Hahaha! Mapaparami ang pagkain ko nito. Pfft~

“How about you, Zaine?”

Nilunok ko muna ang pagkain ko bago nagsalita. “Ang Papa ko po ay si Rodolfo Dela Cruz at ang Mama ko naman po ay si Lilian Dela Cruz.” sabi ko.

“Woah! So you mean, tatay mo si Rodolfo dela Cruz? What a small world?” parang namamanghang sabi ni tito John.

“Why po?”

“Ah. He's my classmate since elementary. Sabihin mo sa kaniya na nagkita tayo ha.”

‘Hindi ko po yun masasabi dahil limang taon ko ng hindi nakikita ang papa ko... mula nung maghiwalay sila ni mama.’

Gusto ko sanang sabihin sa kaniya yun pero mukhang masaya si tito eh.

“S-sige po.”

Sandaling katahimikan ang bumalot samin ng biglang magsalita si Ate Joann.

“Hey, Zaine! You know, ang cute mo! Your face is so taba and bumagay naman sayo.” sabi niya kaya napatawa naman ako.

“Hahaha! Matagal na akong cute, ate Joann.” parang nagmamalaking sabi ko.

Napatingin ako kay Jes na katabi ko. So pinanggigitnaan nila ako ni Nashi.

“Hay. Magkakasundo tayo diyan, Zaine.” sabi niya tapos ay tumingin kay Jes. “Good choice, bro!”

*HUUUK!*

Parehas kaming nabilaukan ni Jes dahil sa sinabing yun ni Ate Joann. Dapak! Iba yung dating sakin nung sinabi niya. Dali-dali kong kinuha yung tubig ko nang biglang kamay ang mahawakan ko.

Dapak!’

Parehas naming hawak ni Jes ang isang baso na may lamang tubig. Grabe, lalo akong mabubulunan nito. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Ate Joann kasi!!

Buti na lang at binigay sakin ni Jes ang tubig kaya dali dali akong uminom. Nakahinga na ako ng maluwag. Tsaka dun ko lang napansin na ang mga mata nila ay nakatingin samin ni Jes.

Book 1: Love Or HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon