Chapter 11 - New Classroom New Friend

77 5 0
                                    

Demi Zaine's POV

Dahil wala pa namang klase, nakinig na lang ulit ako ng music sa cellphone ko. Papikit-pikit pa ako dahil inaantok ako. Ganito talaga ako kapag puyat, sobrang inaantok at anytime baka hindi ko namamalayan na tulog na pala ako. Pinakalaksan-laksan ko ang volume ng music kaya wala na akong ibang marinig kundi tugtog.

Di, di ko inakalang darating din sa akin
Nung ako'y nanalangin kay bathala naubusan ng bakit
Bakit umalis ng walang sabi
Bakit di siya lumaban kahit konti
Bakit di maitama ang tadhana

At nakita kita sa tagpuan ni bathala
May kinang sa mata na di maintindihan
Tumingin kung saan sinubukan kong lumisan
At tumigil ang mundo nung ako'y ituro mo
Siyang panalangin ko

Napamulat ako nung may kumulbit sakin kaya hinarap ko siya. Yung katabi ko. Sa pagkakaalam ko, siya si Miguel Salamat. Tinanggal ko naman agad ang earphone ko nung mapansin kong nagtatayuan ang mga kaklase namin.

“Bakit?” tanong ko.

Lilipat daw tayo ng bagong classroom kaya ginising kita.” sagot niya.

“Huh? Bakit daw lilipat?” tanong ko ulit.

“Eh diba nung umulan ng malakas biglang tumulo sa kisame ng room natin? Kaya lilipat na daw tayo sa bagong classroom. Akala ko alam mo.”

“Ah hehe. Hindi. Nakikinig kasi ako ng tugtog.” sabi ko sa kaniya.

Sundan mo na ang mga kaklase natin dahil kaming mga boys na ang bahalang magbuhat ng mga upuan.”

Nakangiting tunango naman ako sa kaniya. “Thank you!” sabi ko.

Sinundan ko na nga ang mga kaklase ko at sa kaharap na building ang punta namin. Ito nga pala yung bagong building.

Hmmm. Mukhang magugustuhan ko dito.’

Mabilis akong naglakad para maabutan si Josh at nakita naman niya agad ako kaya hinintay niya ako.

“Excited na ako sa bagong room natin, besh!” natatawang sabi niya sakin.

“Ako din, bi. Hahaha!” sabi ko.

“Bi? Bituing nagniningning?”

Nagtawanan lang kaming dalawa na nakasunod sa mga kaklase namin.

“Besh, pansin ko ayos na kayo ni Jes?” tanong niya.

“Ah oo. Hindi naman ako nagtatanim ng galit para hindi siya mapatawad. Atsaka, mababaw lang din yun.” sagot ko sa kaniya.

Habang paakyat na kami ng hagdan ay nakita ko si Jes na kinukulit yung isa naming kaklase na babae. Si Loren. Halata sa kaniyang nakukulitan na talaga siya pero sige pa rin si Jes.

‘Ganyan na ganyan ako kapikon kay Jes nun eh.’

“Ano ba, Jes? Huwag mo akong asarin ngayon!”

“Ang arte mo, Loren. Ikaw na nga nilalapitan ko dyan eh.”

“Wala kang paki. Naiinis na ako sayo!”

“Ewan ko sayo. Kung makaganyan ka sakin parang wala tayong pinagsamahan ah.”

“Eh ano naman? Hindi ko kayang masanay sa ugali mong makulit!”

Book 1: Love Or HateWhere stories live. Discover now