Chapter 44 - Truth About Her

54 4 0
                                    

Gabrielle Lucio's POV

“Hindi na biro ang nangyayari kay Demi ngayon. Hindi ko nagugustuhan ang ginagawa niyong pagpoprotekta sa kaniya! Anong nangyayari sa inyo?! Mas lalo ng nasa kapahamakan ang pinapoprotektahan ko sa inyo!” galit na sigaw samin ng Boss namin.

Napatungo na lang kaming lahat. Totoong hindi na naman talaga ito biro. Palala na ng palala ang nangyayari sa kaniya. Napapikit na lang ako at lumuhod. Hindi ito ang ginusto ko para sa kaniya. Ang gusto ko lang naman ay maprotektahan siya pero nabigo ako. Hindi lang sarili ko ang nabigo ko. Kundi pati na rin ang Ama ko.

“Patawarin niyo ako. Nahuli kami ng dating, at hindi namin makilala ang taong yun na nagtatago sa maskara niya.” sabi ko.

“Sang-ayon ako, Boss.” biglang sabi ni Nashi at lumuhod din. “Oo, pinalaki niyo kami na matalino, madiskarte, at palaban dahil sa organisasyon na ito. Patawarin niyo kami kung nahuli kami at hindi man lang namin naligtas ng maaga si Demi.” sabi niya.

“Hindi ko kailangan ng paghingi ng tawad niyo!” sigaw nito sa amin. “Ang kailangan ko ay mahanap niyo ang mga taong yun at protektahan si Demi. Kayo ang pinagkakatiwalaan ko sa kaniya at kapag may nangyaring hindi maganda sa kaniya, hinding-hindi niyo magugustuhan ang parusang matatanggap niyo.”

Pagkasabi ni Dad nun ay umalis na siya. Napapikit na lang ako ng mariin. This time, galit na galit na talaga siya samin.

‘I'm sorry to disappoint you, Dad.’

At sa sarili ko. Kung hindi lang sana naging mabagal ang pagkilos namin. Sana naagapan namin si Baby Sis. Sana hindi agad siya nalasunan. Mas lalong nanganib ang buhay niya at hindi namin alam kung kailan aatake ang lason na yun sa katawan niya.

Kailangan kong mahuli ang gumawa nito sa kaniya. Sa kaniya nanggaling ang lason kaya nasa kaniya lang din ang gamot dun. Agad akong tumayo at mabilis na naglakad palabas ng hall. Naramdaman kong sinundan ako ni Nashi pero hinayaan ko lang siya.

“Where are you going, couz'?” tanong niya sakin.

“I will find that damn person!” inis na sabi ko at sinuot ang hoody jacket ko.

“Hey, can you calm down? Huwag kang magmadali. sabi niya sakin at pinipigilan akong umalis. “Lalo lang magagalit satin si tito.”

Napabuntong hininga naman ako at hinarap siya. “How can I fucking calm down? It's all my fault kaya nagkaganito si Demi! Hindi ko na-handle ng maayos ang mga tao ko!”

Sinamaan naman niya ako ng tingin. “It's not your fault, Gab. Sige nga, kung aalis ka ngayon, saan ka pupunta? Anong plano mo? Anong gagawin mo?” tanong niya sakin.

Natahimik naman ako dahil dun. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

“Oh diba, wala? Tsk!” sabi pa ng pinsan ko at binitawan ako.

Napaupo na lang ako sa sofa at natulala sa kawalan. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag tuluyang mawawala samin si Demi. Ang tagal na panahon namin siyang hindi nakakasama. Hindi ko kakayanin kapag tuluyan siyang mawala.

“I won't forgive myself if something bad happens to my baby sis.” parang mapapaiyak na sabi ko.

“Walang mangyayaring masama kay Demi, couz'. She's strong inside and out. We will protect her as much as we can, no matter what happen. Promise natin yun kay Tito at hindi natin siya bibiguin. So please, don't blame yourself.” sabi niya sakin at tinapik ang balikat ko.

Book 1: Love Or HateWhere stories live. Discover now