Chapter 34 - Trouble

69 6 0
                                    

Demi Zaine's POV

Sulat Para Kay C R U S H:

Sinong pinag-uusapan niyong alam mo na kung sinong nagkakagusto sayo? Ako ba yun? So, alam mo na? Bakit ang seryoso mo na simula nung huli nating pagkikita sa 7/11? Bakit hindi mo na ako pinapansin? Bakit minsan mo na lang ako kausapin o kulitin? Bakit hindi na kagaya ng dati? Naiilang ka na ba sakin dahil alam mong may gusto ako sayo? Bakit ka maiilang? Ako nga dapat yung mailang sayo kasi ako yung may gusto sayo. I want to confess my feelings for you but I'm afraid to accept the fact that you would never feel the same way. Gusto kitang tignan sa mga mata mo gaya ng ginagawa mo pero kinakabahan ako. The way I look into your eyes, emotionless ang nakikita ko. You're so cold while looking at me. I'm not a mind reader. Please, could you tell me your hidden feelings from me? Deretsuhin mo naman ako. Umaasa talaga ako sayo. Hindi pa ako nasasaktan ng sobra pero sana naman ay huwag umabot sa panahong iiyakan din kita. Hulog na hulog na talaga ako sayo. I'm in love with you. Please, do I have a chance? Can you love me back? Can you do the things that you do to me, again? Hold my hands, hug me tight, look into my eyes, tease me. The way you did kaya nainlove ako sayo. Hindi ko na kayang pigilan ang nararamdaman ko sayo. Love me, Bi.

~DZaine

Nakakainip dito sa bahay. Wala naman akong mapuntahan. Timatamad din akong maggala kasama ng mga kaibigan ko. Hays. Si Jes pa rin kasi ang iniisip ko. Gusto ko talaga siyang ichat kung bakit siya ganun sakin pero pinapangunahan talaga ako ng hiya. Ewan ko ba pero ang Jes na nalalapitan ko noon at kakulitan, ibang Jes sa nakikita ko ngayon. Ang Jes na nakikita ko ngayon ay mahirap lapitan.

“Ate Demi!”

Lumabas ako ng kwarto ng marinig kong tinawag ako ni Miara. Bumaba ako at dumeretso sa sala dahil nandun sila ni Lian. Malamang nasa trabaho na ulit si Mama.

“Akin na yan kuya!”

“Shut up, Miara! That's not yours.”

“Hindi naman sayo yan eh. Bigay yan sakin ni Papa!”

“Papa? Matagal ng wala si Papa kaya huwag kang ano.”

“You're wrong kuya. Nagkita kami nung friday sa labas ng school and binigay niya ito sakin.”

Awtomatiko na lang akong napakunot noo dahil sa sinabing yun ni Miara. Mas lumapit pa ako sa kanila para mapansin nila ako. Malamig na nakatingin sakin si Lian pero si Miara naman ay inosente bagaman masaya ang mata habang nakatingin sakin.

“Anong pinagsasabi mo, Miara?” tanong ko.

“Nagkita na kami ni Papa, ate. Tignan mo, binigyan pa niya ako ng teddy bear pero sinasabi ni kuya na hindi daw ito sakin.”

Napaupo naman ako sa upuan. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. May namumuong pag-asa sa puso ko na makikita na muli namin si Papa pero sa pagkakaalam ko, hindi niya alam ang itsura ni Papa.

“Paano mo naman nalaman na si Papa yun? Hindi mo naman alam ang itsura niya eh.” tanong ko.

“Nung nagpunta kasi ako sa kwarto ni mama, may nakita akong picture na babae at lalaki. Si mama yung isa kaya yung isa ay si Papa.” natutuwang sabi niya.

May munting saya akong nararamdaman. Parang gusto ko na ngang paniwalaan si Miara. Umaasa ako na malapit ko ng makita si Papa. Sobrang miss na miss ko na siya. Makalipas ang mahigit limang taon. Hay. Sana mabuo na ulit kaming pamilya.

Book 1: Love Or HateWhere stories live. Discover now