Chapter 22 - Falling In Love?

61 5 0
                                    

Demi Zaine's POV

Tamad akong bumangon mula sa kinahihigaan ko nung mag-alarm ang alarm clock ko. Inaantok pa ako. Siyempre kahit inaantok pa kailangan ko ng bumangon at kalimutan ang masakit na nakaraan ko. Hahahaha! Hugot lang. Papikit-pikit akong dumeretso sa banyo at naligo.

Hindi ko maiwasang maisip ang nangyayari sakin sa school. Lalo na yung mga ginagawa sakin ni Jes. Konti na lang talaga, mag-aasumme na akong may gusto siya sakin. Konti na lang rin, baka tuluyan na talaga akong mahulog sa kaniya. Bagay na simula pa lang nung una, pinipigilan ko na. Pero ayaw papigil eh. Tsk!

“Good morning!” bati ko kina mama at mga kapatid ko pagdating sa dinning area. Umupo na ako sa upuan at nag-umpisa kumain.

“Anak, mamayang uwian dumaan ka nga sa store. May ipapabili ako sayo.” sabi sakin ni mama.

Napasimangot naman ako bigla. “Bakit ako? Mas malapit yun sa school ni Lian. Siya na lang.” sabi ko.

“Tsk! Dinamay mo pa talaga ako, ate.” singit ni Lian.

“Demi, ikaw na lang dahil 'pag sa layasan ang galing-galing mo!” sermon sakin ni mama.

Ito na naman. Maririnig ko na naman ulit ang sermon ng mama ko dahil sa pagrereklamo ko. Lagi na lang eh! Kung nandito lang si papa, hindi niya hahayaan na utusan lagi ako ni mama. Tamad na kung tamad basta ayoko. Napabuntong hininga na lang ako.

“Fine. Ako na lang.” sabi ko.

Madali ko ng tinapos ang pagkain ko at nagpaalam sa kanila. Napatingin pa ako sa kotse ko.

‘Kung pwede lang sana kitang gamitin, baby car ko. Kaso wala pa akong sa tamang age.’

Ang hirap din kasing magcommute lagi kasi laging sikip. Dibale na lang. Sanay naman akong nakikisiksik na lang. Pfft. Siyempre hindi kumpleto ang araw ko kapag wala akong kantang naririnig kaya naman sinalpak ko na ulit ang earphone ko sa tenga.

Makalipas lang ang ilang minuto ay nakarating na rin ako sa school.

‘Hmmm. Ano na naman kayang mangyayari ngayong araw?’

Si Jes na agad ang nasa isip ko. Sa tuwing hahakbang ako papunta sa classroom namin, inaasahan kong nandun na siya pero wala. Ako naman lagi ang nauuna dito eh. Hahaha!

Hindi naman siya gwapo. Trip ko lang naman noon na maging crush siya. Pero hindi ko akalaing aabot sa puntong seryoso na pala ang pagtingin ko sa kaniya at mas lumalalim pa. Siya yung tipo ng taong sweet sa lahat pero feeling ko iba yung pagiging sweet niya sakin. Yung feeling na parang may gusto siya sakin. Mariin kong pinikit ang mata ko atsaka napailing.

‘Demi, don't assume!’

Bigla na lang ako napaiktad ng may kumagat ng braso ko.

“Aray!” daing ko atsaka hinarap yung kumagat sakin. “Bakit mo ako kinagat?!” masamang tingin na tanong ko sa kaniya.

“Good morning!” nakangiting sabi niya pero inirapan ko lang at tinalikuran siya.

Hinimas-himas ko pa ang braso ko na kinagat niya. Tsk! Yun lang yata ako ayaw ko sa kaniya, yung nangangagat. Hindi pa man ako nakakalayo ng maramdaman ko ang dalawang kamay niya na yumakap mula sa likod ko... at tinuon niya ang baba niya sa balikat ko. Napalunok ako ng biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

‘Is he... back hugging me?’

“Jes...” halos pabulong kong sabi.

“Sorry na, bi. Hehe. Hindi ko na uulitin.”

Book 1: Love Or HateDonde viven las historias. Descúbrelo ahora