Chapter 48 - Coincidence or Destiny?

45 4 0
                                    

Demi Zaine's POV

Ang daming pakiusap na ang sinabi ko kay Lian na ibigay sakin ang kwintas pero hanggang ngayon ay hindi pa din niya binabalik. Sinubukan kong hanapin sa kwarto niya pero hindi ko makita. Ayaw kong lumaki ang away namin. Naiiyak na lang ako sa tuwing hindi niya yun binibigay sakin. Pakiramdam ko kasi kapag wala sakin yung kwintas, lalo akong nangungulila kay Papa.

Hindi pa ako nakakarecover sa nalaman ko lately. Kahit hirap tanggapin sa sarili ko na hindi ako tunay na anak ni Mama, pinipilit ko sa sarili ko na tanggapin dahil Mama ko pa rin siya kahit hindi ako sa kaniya nanggaling. Pero may munting galit pa rin ako dahil lahat sila... may tinatago sakin. Pakiramdam ko tuloy, hindi ko talaga kilala yung sarili ko dahil parang mas kilala pa nila kung sino ako, at tinatago nila sakin yun.

Napasandal na lang ako sa inuupuan ko at kagaya ng palagi kong ginagawa, sinalpak ko muli ang earphone sa tenga ko. Pinikit ko ang mata ko at sumandal sa dingding. Sa pamamagitan man lang nito ay maipahinga ko ang sarili ko kasi pagod na din ako eh.

Pero hindi pa man lumilipas ang ilang minuto ay may humigit ng earphone ko sa isang tenga ko kaya naman inis akong napamulat at nakitang si Jes yun. Dahil dun, bigla na ring nawala ang inis ko. Hays! Ang rupok ko talaga!

“Hey, Zaine. May sasabihin ako sayo. Pikit mo mata mo.” sabi niya dahilan para kumunot ang noo ko.

“Huh? Bakit?” tanong ko pero pinikit ko na rin ang mata ko gaya ng sabi niya.

Wahaha! Uto-uto!”

Nagmulat ako ng mata at inis siyang tinignan. Hindi porket mahal ko siya ay sasakyan ko ang trip niya. Napipikon din naman ako tsk!

“Wala ako sa mood, Jes.” seryosong sabi ko sa kaniya.

“Hindi ka naman mabiro. Pero ito na talaga, pikit mo mata mo.” sabi niya at ginawa ko naman ulit. “So, anong nakikita mo?” tanong niya.

“Madilim siyempre.” sabi ko.

“Ganyan ang buhay ko kung wala ka.”

Nagmulat ako ng mata at tinignan siya. Seryosong-seryoso ang pagkakasabi niya at ito ang puso ko na ang bilis ng pagtibok. Oo na, kinikilig na ako sa sinabi niya.

Yiee, kinikilig siya.” sabi pa niya.

Ngumiti naman ako. “Hmm. Dapat pa ba akong magsinungaling at magpakipot?” tanong ko.

“Hindi. Kasi hindi bagay sayo ang magpakipot.” sagot niya at tumawa.

Napairap naman ako dahil dun. Minsan talaga, naiinis din ako dito sa taong mahal ko eh. Pero naiisip ko, baka pwede na kaming bumalik sa dati. Yung sobrang close na kagaya noon... sana.

“Pero hanggang dito lang muna siguro tayo. I don't want to lose you, Zaine that's why I'm doing this. I hope you understand.” sabi niya sakin at pilit naman akong ngumiti sa kaniya.

“Of course, I understand. I will always understand.” sabi ko naman.

Umalis na si Jes sa harapan ko kaya naman sinalpak ko na ulit ang earphone sa tenga ko. Dahil sa ginawa niya, lalo tuloy akong nahulog sa kaniya. Paano ko ba makakalimutan ang nararamdaman ko sa kaniya kung sa bawat araw na nakikita ko siya, lalo ko siyang minamahal?

Awtomatiko na lang akong napahawak sa labi ko ng maalala ang halik namin ni Jes nung gabing yun. Napangiti tuloy ako.

Pero kahit ganun, pakiramdam ko nag-iisa pa rin ako. Dahil sa sinasabi niya sakin, isa rin siya sa nakakaalam ng pagkatao ko.

Book 1: Love Or HateWhere stories live. Discover now