Chapter 52 - Celebration (Part 1)

77 4 2
                                    

Demi Zaine's POV

Merry Christmas!

Yesss!! Christmas na at nandito kami ni Mama sa kusina kasi tinutulungan ko siya sa pagluluto ng mga handa. Ang bilis talaga ng panahon. Parang unang pasukan lang kahapon tapos pasko na agad ngayon at ilang araw na lang ay matatapos na ulit ang taon. Matatapos ulit ang taon na hindi namin kasama si Papa. Sobrang miss na miss ko na talaga siya...

Kinuha ko ang kutsilyo at nag-umpisang maghiwa ng karne. Nakakailang hiwa pa lang ako nang biglang matamaan ang daliri ko.

Aray!” medyo malakas na sabi ko kaya napansin agad ako ni Mama.

Mabilis na umagos ang dugo mula sa daliri ko kaya naman pinikit at iniwas ko ang mata ko dito dahil takot ako sa dugo. Nanginginig ako kapag nakakakita nito.

Jusko, anak! Hindi ka na naman nag-iingat na bata ka!” sabi ni Mama at tinapat sa lababo ang kamay ko para hugasan yun.

“Bakit, Tita, ano pong nangyari?” tanong ng boses na narinig ko.

Walang iba kundi si Gab. Dito daw siya magpapasko sabi niya at walang pag-aalinlangang pinayagan siya ni Mama. Hindi ko tuloy bigla maintindihan si Mama. Ang bilis niyang pinagkatiwalaan si Gab. Sabagay, katiwa-tiwala naman ang mukha niya eh.

Nahiwa niya yung daliri niya. Hay nako, Demi! Mag-ingat naman sa susunod. Paano kung wala ako? Edi nahimatay ka na dahil sa katakutan mo sa dugo!” sermon sakin ni Mama.

Hindi na lang ako umimik. Nakakainis! Bakit kasi takot ako sa dugo?!

“Tita, ako na pong bahala kay Demi.” sabi ni Gab.

“Sige, iho at tatapusin ko na itong niluluto ko.” sagot ni Mama.

Dumeretso kami ni Gab sa salas at dun niya inumpisahang gamutin ang sugat ko. Hmp! Papikit-pikit na lang ako dito dahil sa sobrang hapdi. At the same time, natutuwa din dahil parang kuya ko si Gab kung gumamot sakin. Napangiti na lang ako. How I wish, sana kapatid ko na lang siya. Natutuwa ako kapag naririnig ang sermon niya sakin. Hahah! Natutuwa rin ako kapag nakikita ko siyang pikon dahil sakin.

“Sa susunod, huwag na huwag ka ng hahawak ng mga matatalas na bagay. Delikado para sa kamay mong magaslaw kung kumilos!”

Napanguso na lang ako dahil dun. Daig pa niya si Mama kung manermon.

“Tss. Ikaw na lang kaya maging Mama ko! Daig mo pa si Mama manermon eh!” sagot ko sa kaniya.

Sinisermonan kita biglang kapatid mo ha! Umayos ka! Tsk! Mas kailangan pa pala talaga kitang protektahan ngayon lalo na't takot ka nga pala sa dugo.” sabi niya.

Nagkibit balikat na lang ako. “But we're not siblings. We're just siblings by heart.” sabi ko at ngumiti.

Nakita ko naman siyang natigilan ng saglit pero napalitan agad yun ng tawa. “Yeah.” sabi niya at nilagyan na ng band aid yung sugat ko.

Hindi naman kasi siya ganun kalalim. Malakas lang talaga yung pagdugo niya.

Sumandal na lang ako sa inuupuan ko nang matapos gamutin ni Gab ang sugat ko. Mas masaya sana talaga kung nandito si Papa. Tumingin ako kay Gab ng may maalala akong itanong.

“Gab, nasaan nga pala ang family mo? Diba dapat sila ang kasama mong magcelebrate?” tanong ko.

“Nagpaalam naman ako sa kanila and pinayagan nila ako.” sagot niya sakin.

Book 1: Love Or HateWhere stories live. Discover now