Chapter 43 - Her Coming Birthday

51 4 0
                                    

Alvia Kate's POV

Papunta kami ng mga kaibigan ko ngayon sa canteen. Recess kasi at ngayon lang ulit kami magsasama-samang apat nina Nashi. Lalo na si Demi. Isang linggo din naming hindi nakasama yan and malaking palaisipan sakin yung nangyari sa kamay niya. Nakakapagtaka lang kung paano naaksidente ang kamay niya pero hindi ko na inusisa pa.

“Oh my gosh!” biglang tili ni Josh ng makapasok kami sa canteen, with matching takip pa sa bibig ha.

Kunot-noo naman kaming napatingin na tatlo sa kaniya. Minsan talaga, napapaisip ako kung paano ko naging kaibigan ito eh. Kaso naalala ko, ako nga pala yung lumapit sa kaniya kaya kami naging magkaibigan. Hahaha.

“Ano na naman, bakla?!” takang tanong ni Nashi.

“Uhm... Wala. Let's go, mga besh!” sagot naman ni Josh na rumampa pa ng paglakad.

Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Demi kaya naman hindi ko rin maiwasang mapatawa.

“Kaloka si Josh!” sabi ko at umiling.

“Tara na. Ano bang bibilhin natin?” tanong niya.

Tumingin kami ng mga tinda sa canteen. Humiwalay muna ako sa mga kaibigan ko para tumingin sa iba. Para kasing mas masarap yung sa iba eh. So ayun, lakad lakad. Sinusuri ang mga paninda nila. Hahaha!

Wala pa rin akong napipiling mga pagkain. Hays. Parang wala akong gana. Parang gusto ko ng iba. Napasimangot na lang ako at napaupo sa isang table. Ang layo kasi ng mga kaibigan ko. Kung bakit ba kasi super lawak ng canteen na ito. Dinaig pa yung covered court. Tsk.

“Alone?”

Napatingala ako sa tumigil sa harapan ko at bigla na lang nag-init ang dugo ko sa nakita ko. Walang iba kundi ang magnanakaw ng halik!

“What are you doing here, rakista ng Amity?” masamang tingin na tanong ko sa kaniya.

“Siyempre, sinasamahan ang malditang kaharap ko ngayon.” sabi niya at umupo sa harap ko.

“Sinabi ko bang samahan mo ako?” pagtataray ko sa kaniya.

“Hindi. Pero gusto kita... samahan.” sabi niya at ngumiti.

Agad naman akong napaiwas ng tingin dahil sa ngiti niyang yun. Unti-unti kong naramdaman ang bilis ng tibok ng puso ko. Actually, kanina pa nga eh. Ang weird. Alam ko ang pakiramdam na ganito pero ayaw kong maramdaman ito. Tss.

“Here. I bought you a food.” sabi niya at abot sakin ng burger

Napairap naman ako. “Thanks but no thanks, rakista ng Amity.” sabi ko at binalik sa kaniya yung burger.

“I love it when you call me 'rakista ng Amity'. Pero sayang naman ang pinambili ko nito kung hindi mo kakainin.” sabi niya.

“Sinabi ko bang ibili mo ako?” pagtataray ko.

“Sayang ang effort ko kung hindi mo tatanggapin. Minsan lang ako mag-effort.” sabi niya at kumagat ng burger. “Ang sarap pa naman ng burger.” sabi niya pa.

Nangonsensya pa!’

Nabasa ko naman ng dila ko ang labi ko dahil dun. Para akong tangang nakatingin sa kaniya lalo na dun sa kinakain niya. Argh!

Nakakainis talaga siya! Bakit ba kasi naging kaibigan pa siya ng nagugustuhan ng Demi namin?! Ang liit tuloy ng mundo namin. Ayokong nakikita siya dahil bumabalik sa alaala ko yung pagnakaw niya ng halik sakin!

Book 1: Love Or HateWhere stories live. Discover now