Chapter 20 - Holding Hands

64 5 0
                                    

Jes Revan's POV

Hi! Good morning everyone!

Bumangon ako at nag-inat inat pa bago dumeretso sa banyo. Nakangiti ako habang naliligo. Ang ganda kasi ng panaginip ko. Hahaha! Matapos kong maligo ay nagbihis na ako at dumeretso sa dinning area. Naabutan ko dun sina Mom and Dad, tulog pa siguro sina Ate Joann at Ate Jessry. Mamayang tanghali pa naman kasi ang pasok nila eh.

“Good morning, dad and mom!” masayang bati ko sa kanila at niyakap sila bago naupo sa upuan.

“Mukhang maganda ang gising ng good boy namin ah.” si mom.

“Hehe. Lagi naman pong maganda ang gising ko eh.” sabi ko at nag-umpisa ng kumain.

“Kamusta ang pag-aaral mo, anak? Kamusta ang exam?” si Dad naman.

“Uhm... Ayos naman po Dad ang resulta ng exam ko. Nakakapasa pa rin as always. Hahaha!”

Nagpatuloy kami sa pagkain at hindi na nagkwentuhan pa. Napapailing na lang ako sa tuwing maaalala ko ang panaginip ko. Kami kasi ni Zaine yun eh. Ang sweet sweet daw namin dun at magkahawak kami ng kamay. Yung parang may 'kami' kahit wala naman. Hahaha! Ang sarap sa pakiramdam nung ganito. Yung masaya lang palagi. Ano kaya itong nararamdaman ko?

Malapit na nga pala ang birthday ng ate Jessry mo.” biglang sabi ni mom, nanatili lang kami ni dad nakikinig sa kaniya. “Jes, imbitahan mo ang mga kaibigan mo ha.”

Tumango ako. “Sure, mom. Sina kuya David lang naman ako kaibigan ko. Hehe.”

“And also Zainy...”

Napakunot noo naman ako kay mom at takang tinignan siya.

“Sinong Zainy?”

“Ohh. I mean Zaine. Your girl friend, right?”

“She's not my girlfriend, mom.”

“Sabi ko nga. Girl friend. May space kasi.” sabi niya at bumaling kay dad. “Hon, our son is so defensive.”

Napanguso na lang ako nang tuksuhin na naman nila ako kay Zaine. Walang araw na hindi nila nababanggit si Zaine at tinutukso ako sa kaniya. Hay. Buti na lang at hindi ako naiinis. Pero minsan nakakainis din dahil baka umasa ang magulang ko na ganun kami ni Zaine eh magkaklase lang kami nun. Magkaibigan. Hanggang dun lang yun.

Matapos kumain ay nagpaalam na ako kina mom at dad na aalis na.

*SCHOOL*

Gaya ng nakasanayan ko, malapit ng magklase kapag napasok ako. Pero hindi pa naman ako late. Sadyang ayoko ng pumasok ng maaga. Inaantok kasi ako sa school kapag nakukulangan ako sa tulog. Sakto namang makakasalubong ko si Zaine kaya naman ganun na lang kalaki ang ngiti ko ng magtama ang paningin namin. Napansin kong natigilan siya at gulat na napatingin sakin.

“Hey, Zaine! Good morning, bi!” bati ko sa kaniya at tinapik ang balikat niya.

‘Did I just called her 'bi'? Hahaha!’

Nginitian ko pa ulit siya bago nilagpasan. Gumaganda lalo ang mood ko kapag nakikita ko ang ka-cute-tan niya. Gusto ko tuloy pisilin ang pisngi niya.

Nilagay ko na ang bag ko sa tunay kong upuan at pumunta naman ako kung saan nakaupo si kuya David. Siyempre sa tabi ulit ni Zaine ako naupo. Wala nga lang siya sa tabi ko ngayon, lumabas yata. Hehe.

“Tsk. Nakita mo ba yung reaksyon ni Demi, bro?” si kuya David.

“Hahaha. Oo, nagulat siya sakin.”

Book 1: Love Or HateWhere stories live. Discover now