Chapter 31 - Jes And Gab

62 5 0
                                    

Jes Revan's POV

Hindi maalis ang kaba ko sa dibdib habang tinatanaw ang papalayong si Zaine. Nag-aalala ako dahil mag-isa lang siyang uuwi. Delikado lalo pa't nasa paligid lang ang kalaban. Napasabunot na lang ako sa buhok dahil kasalanan ko ito! Dahil sakin, mapapahamak siya.

‘Kung hindi ko lang sana siya nilapitan noon, hindi siya magkakaganito.’

Kasalanan ko ang lahat ng ito. Matagal na akong may alam tungkol sa kaniya at sa buhay niya. Masasabi kong may kaya ang pamilya niya pero broken family sila. Hindi maganda ang buhay niya lalo pa't maraming nakapaligid sa kaniya. Oo, nasa panganib siya, at mas lalo siyang nalapit sa kapahamakan ng lumapit ako sa kaniya. Kung alam ko lang sana na ganito ang mangyayari, sana hindi ko na lang siya nilapitan at ipaalala sa kaniya ang lahat... kahit hindi niya maaalala.

Napabuntong hininga na lang ako habang tinatanaw ang dinaanan niya pero wala na siya dun. Hindi ako pwedeng nakatayo lang dito. Kailangan ko siyang sundan para masiguro ang kaligtasan niya. Hindi ko hahayaang mapahamak siya ng dahil sakin. Maglalakad na sana ako ng biglang may magsalita mula sa likuran ko.

Susundan mo siya?”

Natigilan ako dahil dun. Kung sa kailang ayaw ko siyang makita, saka naman siya sumulpot. Mariin kong pinikit ang mata bago lumingon sa kaniya. Kita ko ang ngisi sa kaniyang labi habang nakatingin sakin.

“Bakit, Angela? Bakit mo ginagawa ito?” mahinahong tanong ko sa kaniya.

“So what? Hindi pa naman siya mamamatay sa ginawa ko ah. Manghihina nga lang.” sagot niya dahil para mapakunot noo ako.

“What do you mean? What did you do to her?!” pasigaw kong sabi, nasasagad na ang pasensya ko kapag siya ang kaharap ko.

Napairap na lang siya sa hangin habang nilalaro ang kuko niya dahilan para mapikon ako. Hindi lang siya malandi, mapaglaro din siya. Hindi ko akalain na ito siya, maraming kayang gawin. Tsk.

“Sinasabi ko naman sayo, Jes. Hindi ko kayo hahayaang maging masaya. I can do what I want. I can even kill her---”

“Don't you dare!” pagputol ko sa kaniya.

“Dare me! Ano bang magagawa ng isang katulad mo, Jes? Wala ka pa nga sa talampakan ng kapangyarihan ko eh.”

Nag-init lalo ang ulo ko dahil sa sinabi niya. Sa mura naming edad na ito, may maniniwala kaya saming matatanda na mas matalino kami sa kanila? Lumapit ako sa kaniya ng sobrang lapit at hinawakan ng mahigpit ang panga niya. Hindi niya yata ako kilala. Pwes, uumpisahan ko ng magpakilala.

“Yun lang ang akala mo, Angela. You can do what ever you want? Then bakit hindi mo ako makuha?” napangisi na lang ako ng makita ang gulat sa mukha niya. “Alam mo, kahit gaano ka pa makapangyarihan hindi mo pa rin ako makukuha. Yang tulad mo? Tsk. Hinding-hindi ko magugustuhan. Even you're beautiful, you're sexy, you will never have me.” sabi ko at patulak siyang binitawan.

Halatang nasaktan siya sa ginawa ko pero wala akong paki. Kulang pa nga yan kung tutuusin dahil kapag nasagad ang galit ko at kung hindi lang siya babae, baka bugbog sarado na siya sakin. Napangisi na lang ako ng may maalala ako. Sayang at wala si kuya David.

“At huwag na huwag mong guguluhin si Zaine. Wala siyang ginagawa sayo kaya kapag may nangyari sa kaniya, ako talaga ang makakalaban mo.” normal pero may pagbabantang sabi ko sa kaniya.

Pero ngumisi lang siya sakin bago nagsalita. “Sa totoo lang, pwede ko naman gawin yun eh. Kung magiging akin ka lang. But if not, pasensyahan tayo sa mangyayari sa kaniya.” sabi niya.

Book 1: Love Or HateWhere stories live. Discover now