Chapter 60 - Revelations

68 5 0
                                    

Demi Zaine's POV

Minulat ko ang aking mata. Hindi ko maaninag ang nakikita ko ngayon bukod sa puro puti lang ito. Kakaibang amoy din ang naaamoy ko sa kung saan man ako narito. Pinikit ko ulit ang mata ko at minulat ko yun. Naging malinaw na ang paningin ko kaya nilibot ko ang paningin ko. Dun ko napagtantong nasa hospital ako... Pero bakit?

Sinubukan kong bumangon pero biglang kumirot ang tagiliran ko dahilan para mapaungol ako sa sakit nun. Napansin ko na lang si Mama ng gumalaw siya sa gilid ko.

“Anak, gising ka na pala. Ano? May masakit ba sayo?” tanong niya sakin.

Nakakunot noo ko siyang tinignan. “M-Ma, ano pong nangyari---”

Agad akong napatigil sa pagtatanong nang biglang naalala ko sa isip ko ang nangyari. Mula sa venue kung saan ginanap ang closing party namin. Ang pagsayaw sakin ni Jes at ang pagpapaliwanag niya sakin. Ang pagsabog sa loob ng venue. Ang paglabas namin ni Jes at ang pagbaril samin...

Unti-unting nagsibagsakan ang mga luha ko ng maalala ko si Jes. Pero mas lalong bumagsak ang luha ko ng mapatingin ako sa pinto ng kwartong ito dahil nandun ang taong sobrang tagal ko ng hinihintay...

“Papa...” halos wala ko ng boses na sabi.

Totoo ba itong nakikita ko? Si Papa ba talaga ito? Kung panaginip lang ito, sana huwag na akong magising pa. Kasi mas gugustuhin ko pang makasama si Papa kahit sa panaginip lang. Patuloy lang ang pagbagsak ng luha ko hanggang sa nakalapit siya sakin. Hinawakan niya ang pisngi ko at pinunasan ang luha ko.

“P-Papa, is that really y-you?” tanong ko.

Ngumiti siya sakin at niyakap ako. Napapikit na lang ako habang niraramdam ang yakap niya sakin.

“Ako nga, anak. Nandito na si Papa. Shh. Tahan na.” sabi niya sakin at hinagod ang likod ko...

“Sobrang miss na miss na kita, Papa. Ang tagal kitang hinintay. Akala ko hindi na tayo magkikita..” sabi ko.

“I'm sorry, anak. Gusto ko lang maging maayos ang lahat bago ako bumalik.”

Dahil sa sinabing yun ni Papa ay may nabuong katanungan sa isipan ko na kailangan niyang masagot lahat. Nandito na si Papa, siya lang ang makakasagot ng lahat.

“Pa, you need to explain everything to me. Only the truth, Pa.” sabi ko ang kumalas sa pagkakayakap sa kaniya.

“I will, anak.” sabi ni Papa.

Pumasok sa isipan ko si Jes kaya naman umayos ako ng pagkakaupo ko. Kamusta na kaya siya... Nag-aalala ako.

“Pa, Ma, s-si Jes po?” tanong ko.

“Nasa kabilang kwarto siya.” si Mama ang sumagot.

“Pupuntahan ko po siya.” sabi ko at aalis sana sa pagkakaupo ko ng pigilan ako ni Papa at Mama.

“Papunta na dito ang doctor. Huwag ka munang kumilos at hindi pa magaling ang sugat mo sa tagiliran.” sabi ni Papa sakin.

“Pero si Jes po..”

“He's fine.” sabi sakin ni Papa.

Napatango na lang ako. Kahit papaano naman ay gumaan masyado ang pakiramdam ko. Akala ko hindi na ako magigising nung mga oras na yun eh. Gustuhin ko man na makita si Jes ngayon, hindi pwede dahil sa sugat ko... Sana okay lang talaga siya.

Matapos akong tignan ng doctor ay umalis na ito kasama ang nurse.

“Ate!”

Napatingin ako kina Lian at Miara, kasama si Gab na kapapasok lang. Sumampa si Miara sa kama na hinihigaan ko at niyakap ako. Napangiti naman ako dahil dun.

Book 1: Love Or HateWhere stories live. Discover now