Chapter 4 - Water Park

110 7 0
                                    

Jes Revan's POV

Narito na kami ngayon ng family ko sa Water Park. Ang ganda naman talaga dito. Buti ito ang isinuggest ni Ate Joann. Ang saya ko habang pinapanood sila mommy at daddy. Ang sweet nila. Para silang mga teenager kahit may mga apo na. Hahaha! Napatingin naman ako sa mga ate ko. Ang saya ko din na sila ang mga kapatid ko. Kahit sila ini-spoil ako. Lahat ng gusto ko ibinibigay nila. Nag-iisa nga lang kasi akong lalaki. Gusto ko sanang magkaroon ng kapatid na lalaki kaya si kuya David na lang ang kinapatid ko.

“Hey, Jes! C'mon! Join us!” sigaw sakin ni Ate Jacky.

Pumunta na ako sa kanila atsaka nakitampisaw sa kanila. Para kaming mga bata habang nagtatalsikan kami ng tubig. Hahaha!

“Let's take a selfie, guys!” sabi naman ni Ate Jessry kaya nagngitian kami sa camera.

“Say 'ang ganda ni Jessry'!” ate Jessry.

Pero kabaliktaran ang sinabi namin kaya nagtawanan kaming magkakapatid. Napailing-iling na lang akong nagpunta sa pwesto nina Dad.

“Mom, can I talk to dad?” sabi ko.

“Sure, son. Hon, girl bonding muna kami ng mga prinsesa mo ha? Ikaw muna ang bahala sa prinsipe natin.” sabi ni mom at ako yung tinutukoy niya.

Umalis na si mom at nagpunta na kina Ate.

“Bakit, anak? May problema ba?”

“Wala po, dad. I just want to ask something.”

“What's it?”

Paano kayo nagkakilala ni mommy?”

“Well, hindi maganda ang unang tagpo ng mommy mo.” nakatingin siya kay mom. “Your mom is a warfreak and spoiled brat. We were in high school when we first met. Nagkabanggaan kami ng mommy mo at hindi ko yun sinasadya. Pero dahil nga warfreak siya, hindi niya pinalampas yun. Nagkataon pang naging magkaklase kami kaya everytime na magkikita kami, ayun aawayin niya ako. Hahaha! Pero una pa lang ay nagustuhan ko na siya kahit pa ganun siya sakin. Siya ang babaeng kauna-unahang minahal ko. Dumating yung araw na tinigilan na niya ako sa pang-aaway niya sakin kaya ako naman ang lumapit sa kaniya. Araw-araw kinukulit ko siya. Hanggang sa hindi ko alam na nahulog na pala siya sakin. Kaya iniwasan na naman niya ako ng hindi ko alam. Nasa isip ko nun baka may nagawa ako kaya umiwas siya. Kaya ang ginawa ko na lang din ay layuan siya. Masakit para sakin na makita siyang may kasamang iba. Nagseselos ako pero wala akong magawa. Pero naging masaya ako dahil feeling ko ako ang nakapagpabago sa kaniya. Hindi na siya warfreak. Naging mabait na ang mommy mo sa lahat. Pero nakakalungkot lang din kasi ang kapalit ay hindi na kami nagpapansinan.”

Ramdam ko ang lungkot ni Daddy habang nagkikwento siya. Parang tagos talaga sa puso.

“Eh ano pong ginawa niyo para magkalapit ulit kayo?” tanong ko.

Nilapitan ko ulit siya. Kinulit ng kinulit. Pero nagagalit siya sakin. Umabot nga sa puntong sa harap ng kaklase namin nagsisigawan kami. Tapos ganito yung sinabi niya kaya nalaman ko yung totoo. Alam mo kung bakit kita iniiwasan? Kasi mahal na kita. Hindi ko kaya ng ganito kasi feeling ko pinafall mo lang ako sayo. ginaya niya yung pananalita ni mommy. “Ang buong akala ko nung una ay ako lang ang nagmamahal. Siya rin pala. Hanggang sa sinabi ko din sa kaniya ang nararamdaman ko pero hindi agad naging kami. Niligawan ko ang mommy mo almost 2 years. Hanggang sa sinagot na niya ako at ito ang naging bunga ng pagmamahalan namin.”

Book 1: Love Or HateWhere stories live. Discover now