Chapter 6 - Day 9

106 6 0
                                    

Jes Revan's POV

Mula sa kinatatayuan ko ay narinig ko lahat ng pinag-usapan nina Zaine tungkol sa ex niya. Hindi naman nila ako napapansin pero pansin na pansin ko sila. Kaya siguro hindi ako pinansin ni Zaine kanina nung binati ko siya dahil dun sa ex niya. Palihim ko siyang tinignan nung umiiyak siya.

Takte! Nasasaktan ako. Pero bakit?’

Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako nung makita kong nasasaktan siya at umiiyak. Well, para na rin naman kaming magkaibigan ni Zaine kaya natural lang para sakin ang makaramdam ng sakit at awa.

Bago pa nila ako mapansin ay umalis na ako sa kinatatayuan ko. Mahirap na baka magka-issue pa.

“Oh? Saan ka galing?” bungad sakin ni Kuya David.

“Dyan lang sa tabi-tabi.” sagot ko sa kaniya.

Umupo na lang ako sa upuan at kinuha ang cellphone ko. Inopen ko ang facebook account ko and then search...

Demi Zaine dela Cruz

Luh! Akalain mong friend pala kami sa facebook. Ngayon ko lang nalaman. Hahaha! Sa tanang buhay ko, ngayon pa lang ako mang-i-stalk. Gusto ko lang naman malaman kung sino yung ex niya. Tinignan ko pictures niya and then... yung picture niya na may katabing lalaki.

“Bakit mo ini-stalk si Demi?”

‘Pak! Andito nga pala si kuya David sa tabi ko.’

Gulat akong tinignan siya samantalang siya naman ay may nakakalokong ngiti pa sakin. Takte kasi!

“Bakit mo ini-stalk si Demi?” pag-uulit niya.

“Ah. W-wala.”

“Hmm? Bakit nga?”

“Wala nga.”

Weh? First time mo mang-stalk ah. Kwento ka naman diyan. Nagkakagusto ka na ba sa kanya---”

“Tanga! Hindi yun ganun! Nakakainis ka kuya. May gusto lang akong malaman tungkol sa ex niya!”

“Ano namang gusto mong malaman sa ex niya?”

Napaisip naman ako. Bakit nga ba may gusto akong alamin sa ex niya? Dapat hindi ako nagkakainteresado dun ah!

‘Ang tanga mo, Jes!’

Yieeee. Bro, huwag kang matulala. Masyado kang nahahalata.”

Sinamaan ko lang ng tingin si kuya David. Tsk!

“Pero bakit ba nagkakainteres ka sa ex niya? May gusto ka ba dun kay Dylan Santiago?”

“What the hell?! And what? Dylan Santiago? Kilala mo ang ex ni Zaine?” gulat na tanong ko.

“Oo, kilala ko. Hindi naman kasi ako kagaya mo na sobrang walang pakialam sa mundo. Hahaha! Pero bakit mo nga tinatanong?”

“Tsk! Eh kasi narinig kong nag-uusap silang tatlong magkakaibigan. Umiiyak din si Zaine kanina dahil dun sa ex niya.”

“Ah. Kaya pala bigla kang nang-stalk. Sobra kasing mahal ni Zaine yung ex niya at yun kasi ang first love and first boyfriend niya. Sabi ng iba is pinaglalaruan lang daw ni Dylan si Zaine. Pero biruin mo yun tumagal ng isang taon ang relasyon nila bago nalaman ni Demi ang totoo. Demi almost suffered in depression pero kinaya niya. Niloko lang talaga siya ni Dylan. Tsk!”

Book 1: Love Or HateWhere stories live. Discover now