Chapter 30 - In Danger

58 6 0
                                    

Demi Zaine's POV

Ilang araw na ang nakalipas mula nung nangyari sa 7/11. At malapit-lapit na rin ang second quarterly exam namin, at pagkatapos nun ay sembreak na. Hays! Excited na ako. Hahaha!

Recess ngayon kaya wala akong ginagawa. Nakasalpak lang sa tenga ko ang earphone habang nakikinig ng kanta. Nakakabored kasi ngayon. Puro pa-quiz lang ang ginagawa. Hays! Tapos wala pang nangungulit sakin. Oo, hindi na ulit ako kinukulit ni Jes. Sa nakalipas na tatlong araw na yun, nakakapanibago. Nakakalungkot tuloy. Baka dahil dun sa nangyari sa 7/11 kung bakit hindi niya ako masyadong pinapansin.

‘Wala namang tayo.’

Isa pa yun, hindi maalis-alis sa isipan ko yung sinabi niyang yun. Oo, alam ko naman talagang walang kami eh. Hindi ko lang talaga maiwasang masaktan kasi sa bibig niya pa mismo nangggaling yun. Pero hindi ako iiyak. Hindi ko siya iiyakan hangga't maaari. Napabuntong hininga na lang ako at lumabas ng classroom. Pero sa hindi inaasahan ay bigla na lang akong parang nadulas kaya napaupo ako. Lumingon ako sa paligid ko kung may nakakita. Buti na lang wala.

“Ahh!” mahinang daing ko ng maramdaman kong sumakit ang kaliwang paa ko.

Tinignan ko yun at ganun na lang ang pagkabigla ko ng makitang may hiwa ang sapatos ko. Huh? Kabibili pa lang nito nung isang araw ah. Hinubad ko yun at tinignan ang paa kong masakit. Wala naman akong nakitang patalim dun kaya nagtaka ako.

‘Parang nadulas lang naman ako pero bakit nahiwa agad yung sapatos ko?’

Hindi ko maiwasang magtaka at kabahan ng konti. Tsk! Tumayo ako sa inumpisahang maglakad. Mabuti na lang at nawala na yung sakit. Pinilit kong balewalain yung nangyari pero ginugulo pa rin nun ang isip ko.

“Besh, tara samahan mo ako sa canteen.” sabi sakin ni Josh ng makalapit siya sakin.

“S-Sige.” pilit ngiti kong sabi.

Napakunot noo naman siyang tumingin sakin. “Besh, are you okay? Bakit namumutla ka? May sakit ka ba?” tanong niya at hinipo pa ang noo ko.

Ako? Namumutla? Bakit? Napalunok na lang ako habang nakatingin sa kaniya. Nakaramdam ako ng konting panghihina pero kaya ko naman labanan. Pilit ulit akong ngumiti kay Josh.

“Okay lang ako. Tara samahan na kita sa canteen.” sabi ko at hinila na siya pababa ng hagdan.

Pinagsawalang bahala ko na lang ang nangyari kanina at yung sinabi sakin ni Josh na namumutla ako.

Habang naglalakad kami ay may naramdaman akong nakatitig sakin. Hindi ako sigurado pero para talagang sakin ito nakatitig. Napakunot noo na lang ako at naglinga-linga sa paligid para makita kung nasaan yung nakatingin sakin. Hanggang sa mapatingin ako sa isang puno sa dulo ng building ng Grade 7. Napatigil ako at tinignan siya. Naka-hoody jacket, all black ang suot. May takip ang mukha at bibig lang ang kita. Unti-unting binalot ng kaba ang dibdib ko ng makita ko ang pagngisi niya. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko anumang oras ay may mangyayari sakin. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Iba ito sa bilis kapag nakikita ko ang taong mahal ko. Kinakabahan talaga ako.

“Uy, Demi. Bakit tayo tumigil?” rinig kong tanong ni Josh kaya napalingon ako sa kaniya.

“N-Nakikita mo ba yung puno sa dulo ng grade 7 building? Nakikita mo ba yung tao---” napatigil ako sa pagtatanong ng paglingon ko ulit dun ay wala na siya.

“Huh? Nasaan? Wala naman ah. Pogi ba?” hindi ko pinansin ang huling tanong niya.

Napakagat labi na lang ako habang inaalala ang sarili ko. “Pero nandun siya kanina...” mahinang sabi ko.

Book 1: Love Or HateWhere stories live. Discover now