Chapter 57 - Open Forum

59 4 0
                                    

Demi Zaine's POV

Nagising ako sa ingay ng alarm clock ko kaya pinatay ko yun at bumangon na. Naligo ako at nagbihis ng uniform bago dumeretso sa baba. Napadaan pa ako sa study table kaya nakita ko ang larawan ng taong nanakit sakin. Saglit pa akong natigilan bago lumapit dun at pabagsak na tinaob yun. Tss.

“Morning, Ma.” sabi ko kay Mama na nagluluto.

“Morning.” balik na bati sakin ni Mama.

“Morning, Ate.” sabay na bati ng dalawa at binati ko ulit sila pabalik.

Naghain na si Mama ng pagkain namin at sabay-sabay na kaming kumain. Tahimik lang ako habang kumakain hindi kagaya ng dati. May napansin din ako sa sarili ko mula nung mangyari yun. Hindi na ako maingay at makulit hindi kagaya ng dati. Hindi na ako ganun kaaktibo kahit saan. Hindi na rin ako masyadong ngumingiti. Madalas ay seryoso na ako sa mga bagay-bagay. Siguro ay napagod na ako. Napabuntong hininga na lang ako at tinapos ang pagkain ko.

“Ma, una na po ako.” paalam ko kay Mama. “Lian, Miara, alis na ako.” paalam ko din sa dalawa.

“Ingat, 'nak.” sabi ni Mama at ganun din naman ang dalawa.

Bago pa man ako makalabas ng tuluyan sa bahay ay may nagdoor bell. Dahil papalabas na rin naman ako kaya ako na ang nagbukas.

“Package delivery po, ma'am!” bungad agad sakin ng lalaking may hawak na bulaklak at... chocolate.

“H-Ha?” gulat kong tanong.

“Kayo po ba si Demi Zaine Dela Cruz?” tanong nito.

“Oo, bakit?” tanong ko.

“For you, ma'am. May nagpapabigay po.” sabi niya sakin at inabot ang bulaklak at chocolate.

“Uhm. Are you sure? Kanino daw galing?” tanong ko.

“That's a secret, ma'am. Pakipirmahan na lang po ito para may proof na natanggap niyo na po yang mga yan.”

Hindi man ako sigurado ay pinirmahan ko na lang yung pinapipirmahan niya.

“Thank you po, Ma'am. By the way, happy Valentine's day po.”

Matapos yun ay umalis na siya. Napatingin naman ako sa hawak kong bulaklak at chocolate. May napansin akong papel na nakatupi sa gilid ng bulaklak kaya naman kinuha ko yun at binasa ang nakasulat.

<3 Happy Valentine's Day to you. It's nice to see you everyday. <3

-C.

Kunot noo akong napatingin sa sulat na yun. Sino naman kaya ito? Tsk.

Napailing na lang ako at ginusot ang papel sabay tapos sa basurahan kasama ng bulaklak at chocolate. Wala akong panahon sa mga ganyang bagay. WALA NA!

“Oh, Ate. Nandito ka pa?” sabi sakin ni Lian ng makita ako.

“Ah.. let's go.” sabi ko na lang.

“Wait, sa'n galing yang nasa basurahan? Yan ba yung nagdoor bell kanina?” tanong niya ulit.

Mabilis naman akong nairita. “Don't mind it. Tara na.” sabi ko at hinawakan sa kamay si Miara.

Nang makarating na ako sa school ay deretso agad ako sa classroom. Wala pa naman gaanong estudyante kaya naman sinalpak ko na lang ang earphone sa tenga ko at nakinig ng tugtog. Naisip ko yung nagpadala ng bulaklak at chocolate. Tsk. Sino naman kayang sira ulo ang magpapadala nun sakin?

Book 1: Love Or HateWhere stories live. Discover now