Chapter 28 - Jealous (Part 1)

56 5 0
                                    

Demi Zaine's POV

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makamove on sa nangyari nung Sabado. Naiinis pati ako sa sarili ko dahil nangako ako sa kaniya na hindi ko siya susukuan gaya ng sabi niya, pero hindi ko naman nagets yung sinabi niya. Hays. Paanong hindi susukuan ba? Naguguluhan tuloy ako. Pero hindi ko maiwasang kiligin pa rin kasi nasabi kong mahal ko siya.

“MAHAL KITA, JES.”

Isa pa yun. Hindi ko man lang natanong kung bakit niya pinasabi sakin yun. Hays! Bakit ba kasi tumitikom ang bibig ko kapag siya ang kaharap ko?

“Hays! Nai-stress na ako!” wala sa sariling sabi ko kaya bigla na lang akong napatakip ng bibig ko.

Hay. Buti naman at walang nakapansin.

“Dems.”

Napalingon naman ako kay Aleina na siyang tumawag sakin ng 'Dems'. Tss. Ang dami ko talagang nickname dito sa classroom. Umupo siya sa tabi ko. Well, nitong mga nakaraang araw, nagiging close ko na siya. Una si tol Airish. Oo, tol na ang tawagan namin. Tapos si Aleina. Ngayon ko pa lang narerealize na tama si Nashi. Marami pa akong makikilala at magiging kaibigan dahil hindi sa lahat ng oras ay sila ang kasama ko.

“Bakit?” tanong ko.

“Uhm... Mukhang malalim ang iniisip mo ha.” sabi niya.

Napahilot na lang ako sa sintido ko dahil sa malalim nga ang iniisip ko, pero isang tao lang naman ang dahilan nun. Si Jes. Si Jes na mahal ko. Argh!

“Hays! Hindi ko na alam ang gagawin ko!” nasabi ko na lang sa kaniya.

“Bakit? Ano bang nangyari?” tanong niya.

“Sa tingin mo, mahal ko na kaya talaga siya?”

“Huh? Sino?”

Ayt. Hindi nga pala niya alam ang lovelife ko. Paano ba ito? Gusto ko ilabas ang saloobin ko. Gusto kong makahingi ng advice sa kaniya.

“Alam mo yun, sa tuwing nandyan siya pinatitibok niya ng kay bilis ang puso ko. Oo, aaminin kong gusto ko nga siya pero hindi ako sigurado kung mahal ko na nga siya.”

“Oh my gosh! Sino, Dems?!” gulat na tanong niya.

‘OA lang?’

“Siya yung laging lapit ng lapit sakin tapos pakikiligin ako. Alam mo yun, nag-aassume ako na may gusto siya sakin. Kasi the way na tinitignan niya ako, hinahawakan ang kamay ko. May time pa nga na binaback hug niya ako. Hays.”

Napahalumbaba na lang ako at hindi magawang ngumiti. Napapaisip kasi ako ngayon, bakit niya ginagawa ang bagay na yun? Bakit lagi niya akong pinapasaya? Oo, hindi naman ako malungkot pero kapag nandyan siya, dumodoble ang saya ko.

“S-Si Jes ba?” tanong niya at wala sa sariling napatango naman ako. “Oh my gosh, Dems! Hindi ako makapaniwala. Oh my! Pero alam na ba niya?” tanong niya.

“Hindi.”

“Aminin mo na sa kaniya.”

Mabilis naman akong napailing. “No, hindi ko kaya. Baka magkalayo kami kapag sinabi ko sa kaniya ang nararamdaman ko. Umaasa pa man din ako na pareho kami ng nararamdaman.”

“Pero mas maganda kung aamin ka para malaman mo kung dapat ka bang umasa o tumigil na. Kung ako sayo, aamin na ako.”

Napabuntong hininga na lang ako. “Kung kaya ko lang umamin... nang hindi nasasaktan.”

Book 1: Love Or HateWhere stories live. Discover now