Chapter 15 - Group Project

70 5 0
                                    

Demi Zaine's POV

Inayos ko na ang project ko habang nakaupo dito sa inuupuan ko. Ngayon na kasi ang pasahan ng projects sa English kaya yung iba kong kaklase ay nagmamadali na sa paggagawa ng project. Hahaha! Kung sa kailang pasahan na saka pa lang kasi maggagawa. Buti ako kalma lang kahit hindi pa rin tapos.

“Demi?”

Napalingon ako sa tumawag sakin at si Aleina yun na papalapit sakin. Nginitian ko naman siya ng makalapit na siya sakin.

“Bakit?” tanong ko.

“Paano ba ang gagawin dito? Hindi ko kasi maintindihan. Ang hirap.”

Pinakita niya sakin yung ginawa niyang project na may kulang. Kung creativity ang papansinin, makakaperfect si Aleina dito. Pero kung content ang papansinin, maraming kulang. Kaya ang ginawa ko, pinaliwanag ko sa kaniya ang mga kulang niya. Pinaliwanag ko rin kung bakit kailangan nandun yun at ipinaintindi ko din sa kaniya ang lahat.

“Hay. Thank you, Demi! Buti ka pa, pa-chill chill lang.”

“Hahaha! Hindi pa rin kaya ako tapos.”

“Pero tignan mo, parang wala lang sayo. Hahaha!”

“Eh hindi ko kasi masiyadong iniisip ito. Hindi ko hinahayaan na kabahan ako kapag may ganitong project. Hehe.”

“Ganun ba? Sige balik na ako sa upuan ko. Thank you talaga. Gagawin ko yung mga sinabi mo sakin.”

“Thank you rin! Huwag mo lang gawin, intindihin mo din.”

Nagngitian pa kaming dalawa ng kaklase ko bago siya umalis. Ako naman ay pinagpatuloy ang ginagawa ko. Kung tutuusin, hindi naman masyadong mahirap itong ginagawa naming project. Kaya lang nagiging mahirap kasi hindi naiintindihan. Sa totoo lang, hindi ko rin naman naiintindihan eh. Binasa ko lang sa libro.

“Pass your projects, Amity to Miss Constantino!” bungad samin ni Miss ng makapasok siya sa room namin.

“Ah! Ma'am, 'di pa po tapos.”

“Miss, 10 minutes pa po. Tatapusin lang po.”

“Ma'am, konti na lang po. Patapos na!”

“Finish or not finish, pass your projects!”

Medyo mahigpit ang English teacher namin kaya walang nagawa ang mga kaklase ko kahit mag-alma pa sila. Tumayo na ako at lumapit sa President namin, Si Kristine.

“President, oh?” abot ko sa kaniya ng project ko.

“Woah! Ang bilis mong natapos ah.”

“Bakit? Hindi ka pa tapos?”

“Tapos na. Hahaha!”

Pilit lang akong ngumiti sa kaniya at tinalikuran na siya. Sa pagkakakilala ko sa President namin, masiyado siyang seryoso at hindi masyadong nakikipag-usap. Iba 'tong kaharap ko kanina, medyo malakas ang tawa eh. Hahaha!

Bumalik na ako sa upuan ko at nag-umpisa ng mag-discuss si Miss. Discuss dito, discuss doon. Tawag dito, tawag doon. Matapos nun ay bigla akong napatingin sa gawi ni Jes at nagulat ako ng makita kong nakatingin siya sakin.

‘Luh?!’

Medyo nakaramdaman ako ng ilang pero hindi ko inalis ang paningin ko sa kaniya. Titignan ko kung iiwas ba siya ng tingin sakin. Pero ako yung gustong umiwas eh. Naiilang na ako. Feeling ko tagos ang mga tingin niya sakin at hindi inaalis yun. Kaya sa huli, ako ang tumalikod sa kaniya.

Book 1: Love Or HateWhere stories live. Discover now