Chapter 21 - What Is Love?

60 5 0
                                    

Nashi Alliyah's POV

Hi, again!

So, ito papunta na nga ako sa canteen kasi lunch na. Hahaha! Dun na lang kami magtatagpong apat. Hindi ko na rin sasabayan ang boyfriend ko at alam kong maiintindihan naman niya yun. May kaibigan din naman siya eh kaya dun na lang din muna siya sumabay. May date naman kami mamayang hapon. Hahaha!

“Hi, mga besh!” bungad ko sa kanila.

“Lah? Parang ang tagal na hindi nagkita kung makabati ah.” sarkastikong sabi sakin ni Josh.

“Hmp! Matagal na para sakin yung isang araw na hindi tayo nagkita.” nakasimangot na sabi ko.

Minsan na nga lang kasi kami nagkakasamang kumain o magbonding. Dahil nga yun sa iba-iba ang schedule ng lunch. Tsk!

“Haha! Tara na dun sa upuan at nakatulala na dun ang Demi natin.” natatawang sabi ni Alvia.

Dun ko lang napansin na nandun nga pala si Demi at tulala.

‘Something's bothering her.’

Nang makaupo na kaming tatlo ay saka lang siya nabalik sa reyalidad. Natatawa na lang ako kasi mukha siyang tanga kapag nakatulala. Pero sa sitwasyong ito, alam kong may iniisip siya. May bumabagabag sa kaniya.

“Oy, anong problema?” tanong ko sa kaniya kaya naman napatingin siya sakin.

“Huh? May problema ba ako?” maang-maangang tanong niya.

“Nako! Luma na yang style na yan, besh.” si Josh.

“Come on, Demi. We're here to listen.” si Alvia.

Kami ang mga kaibigan niya kaya handa kaming makinig sa mga katangahan niya. Hahaha! Kaya naman matiim kaming tatlo na nakatingin sa kaniya. Iniintay ang pagsasalita niya.

“A-ah. Pwede bang huwag kayong ganyan tumingin sakin? Nakakailang.” naiilang na sabi niya pero hindi namin siya sinagot, hudyat na gusto na naming marinig ang kwento niya. Bumuntong hininga pa siya bago nagsalita. “H-hindi ako sigurado pero parang may gusto na nga ako sa kaniya. Ang sweet niya kasi sakin. Yung feeling na iba yung pagtrato niya sayo kaysa sa pagtrato niya sa iba. Lagi niyang hinahawakan ang kamay ko o kaya naman ay tititigan ako. Minsan sumasandal siya sa balikat ko. Napapakilig niya ako sa mga salita niya. Feeling ko, n-nahuhulog na ako sa kaniya.”

Naging seryoso ang mukha ko dahil sa sinabi ni Demi. Malakas ang kutob ko na si Jes ang tinutukoy niya. Wala namang iba kung hindi siya lang eh. At kilala ko si Jes. Napabuntong hininga na lang ako.

‘This is it... again.’

Magsasalita sana ako ng unahan ako ni Alvia.

“Hmmm.” umakto siya na parang nag-iisip. “Bago natin alamin kung yan nga ang nararamdaman mo, let us know first what is love. Ano nga ba nag LOVE?” diniinan niya ang pagsasalita.

“One thing I know about love is... ito yung nararamdaman mo sa taong gusto mong mapasayo.” agad na sagot ni Demi.

“Pero hindi naman pwede maging sayo.” dugtong ni Josh kaya naman napasimangot si Demi.

“Love? Minsan saya ang naidudulot niyan. Minsan sobrang pasakit din lalo na kung naramdaman mo yang love na yan sa maling tao.” sabi ko naman.

“Yeah. Kasi after love, there's a pain na hinding-hindi mo maiiwasan kasi nga nagmahal ka.” si Alvia.

“And the thing that I realized is kung tatanggapin mo ang katotohanan, hindi ka na masasaktan ng sobra. Diba, Demi?” sabi ko ulit.

Book 1: Love Or HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon