Chapter 13 - Day 28

58 5 0
                                    

Demi Zaine's POV

Gaya nga ng sinabi nung Gab na yun kahapon, ito nga't nandito ako sa bench at hinihintay siya. Tsk! Ang tagal naman ng lalaking yun. Mahigit sampung minuto na akong naghihintay dito. Kaya para hindi mainip, nagsasound trip na lang ulit ako. Hobby ko na yun kaya huwag kang magulo!

Kaytagal kong sinusuyod ang buong mundo
Para hanapin para hanapin ka
Nilibot ang distrito ng iyong lumbay
Pupulutin pupulutin ka
Sinusundo kita sinusundo

Asahan mong mula ngayon pag-ibig ko'y sayo
Asahan mong mula ngayo'y pag-ibig ko'y sayo

Fan talaga ako ng mga kanta ni Moira kaya madalas yun ang mga pinapatugtog ko.

‘Sarap sa ears nung boses niya. Haha!’

Nasa kalagitnaan ako ng pakikinig ng kanta ng may humablot ng earphone ko sa kaliwang tenga kaya napabalikwas ako at nilingon siya.

“J-Jes?” gulat na sabi ko.

“Hehe. Nagulat ba kita?” parang napapahiyang sabi niya.

‘Hindi lang nagulat. Pinatitibok mo ng kay bilis ang puso ko.’

“A-ah. Medyo. Ano nga palang ginagawa mo dito?”

“Ah nagjojogging ako. Halata naman sa suot diba?”

Dun ko tinignan ang kabuuan niya at tama nga naman na nakapang-jogging siya.

“Oo nga. What I mean is, bakit napunta ka dito?”

“Nakita kasi kita kaya nilapitan kita. Magpapahinga rin ako kaya pa-share sa earphone mo.” sabi niya at walang paalam na kinuha din ang cellphone ko at siyang namili ng kanta.

‘Kapal ng mukha nito ah!’

Hindi naman sa napipikon ako sa kaniya pero parang ganun na nga. Kahapon si Gab ang nakita ko. Tapos ngayon naman, siya? Hay! Sino naman kaya bukas??

Shet! Nasaan na kaya yung hinayupak na Gab na yun!?’

“I found the love for me” napalingon ako kay Jes ng sabayan niya ang kanta.
“Darling just dive right in follow my lead
I found a girl beautiful and sweet
I never knew you were that someone waiting for me.”

*Tug* *Tug* *Tug*

Ayan na naman ang puso kong nagwawala at hindi ko malaman ang dahilan. Tumingin lang siya sakin habang sinasabayan ang kanta. Iba agad ang naging epekto sakin.

‘Anong nangyayari sakin?’

Dahil sa hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ay bigla akong tumayo at tinanggal ang earphone sa tenga ko. Takte! Para na akong aatakihin sa puso nito. Napatingin ako kay Jes na napatigil din sa pagsabay sa kanta at takang tumingin sakin.

“O-okay lang ako.” pilit ngiting sabi ko sa kaniya at pinangunahan ang tanong niya.

“Luh! Huwag kang feeling, Zaine. Hindi kita tinatanong kung okay ka lang.” at ayun na naman ang mapang-asar na tono niya.

“Tsk! Edi wow, Jes!” sarkastiko kong sabi sa kaniya.

“Bakit? Hindi ka ba mapakali dahil katabi mo si Jes Revan Sandoval?” nakangising tanong niya.

Book 1: Love Or HateWhere stories live. Discover now